“Ang Tv” Star Na Si Lindsay Custodio Masaya Umano Sa Napili Niyang Buhay Sa Labas Ng Showbiz

Natatandaan nyo pa ba si Lindsay Custodio ng “Ang TV”, narito at silipin natin ang kanyang buhay sa ngayon Si Lindsay Custodio ang nakilala sa isang Youth-Organized show noon ng ABS-CBN na “Ang TV”.

Photo Credit: lindsaycustodioplaton/Instagram




Taong 1992 ng ang dating aktres ay mapabilang sa nasabing show, at dito rin nagsimula ang kanyang career kung saan nakita ang kanyang galing sa pag-awit. Maliban nga sa pag-arte ay isang mang-aawit din si Lindsay, at isa siya sa mga kilalang aktres noong 90’s. Ilan sa mga movie project niya ay ang D’Sisters at ang Nun of the Above.

Photo Credit: lindsaycustodioplaton/Instagram

Dahil magaling at may angking talent rin sa pag-awit ay nakagawa din ang dating aktres ng tatlong albums noon, ang mga ito ay ang MY First, Lindsay (New Horizons) at Sa Araw ng Pasko.

Photo Credit: lindsaycustodioplaton/Instagram

Ilan naman sa mga kantang kanyang pinasikat noong 1997 ay ang Tuksuhan at Malay Mo.
Base naman sa isang article ng Philippine Entertainment Portal (PEP), taong 2020 ng huminto ang naturang aktres sa mundo ng showbiz. Ito rin umano ang taon kung kailan siya nagpakasal sa kanyang yumaong asawa dahil sa atake sa puso.

Photo Credit: lindsaycustodioplaton/Instagram

Ang asawa ni Lindsay na si Julius Caesar Plato II, ay pumanaw noong Nobyembre 2018 sa edad na 43. Ayon sa article ng PEP, ng iwan ni Lindsay ang kanyang career ay nag focus ito sa pagbuo ng kanyang pamilya. Isa rin siyang hand-on mom sa kanyang dalawang anak na si Sean at Charisse.

Photo Credit: lindsaycustodioplaton/Instagram

Ayon naman kay Lindsay wala siyang pinagsisisihan sa kanyang naging desisyon ng talikuran niya ang kanyang career at mamuhay kasama ang kanyang pamilya ng tahimik at pribado. Sa Batangas nanirahan sina Lindsay at ang kanyang asawa, dahil dito nagtatrabaho ang bilang public servant ang yumaong si Julius.

Photo Credit: lindsaycustodioplaton/Instagram

Ngunit nabanggit din niya na kahit papano ay namimiss din niya ang kanyang mga ginagawa noong siya ay nasa showbiz pa katulad ng kanyang pag-arte at pag-awit.
Nitong nakaraan nga sa kanyang Instagram ay nagbahagi si Lindsay ng larawan na kung saan ay inalala niya ang unang anibersaryo ng pagpanaw ng kanyang yumaong asawa.




Kasama ang kanyang dalawang anak ay bumita sila sa puntod nito.
“Praying unceasingly for my beloved Juluis <3” ang caption sa mga larawan ni Lindsay sa naging pagbisita nila sa puntod ng kanyang asawa. Bukas naman umano si Lindsay halimbawa ng ang kanyang dalawang anak ay kaisipan na pumasok sa showbiz.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *