Angel Locsin, Hindi Napigilan Ang Tumulong Sa Isang Amang May Kasamang Bata Na Iyak Ng Iyak

Talaga namang nasa puso at pagkatao na ng aktres na si Angel Locsin ang pagtulong sa kanyang kapwa, lalo na nga sa mga nangangailangan. Dahil kahit sa sarili niyang pamamaraan ay ginagawa niya ang pagtulong sa iba, kahit pa ng aba may mga taong bumabatikos sa kanyang ginagawa na ito.




Marami naman sa atin ang patuloy na sumusuporta sa aktres sa mga pagtulong na kanyang ginagawa, kagaya na nga lamang ng magsimula ang total lockdown dahil sa dulot ng krisis kung saan ay namigay nga aktres ng mga ayuda sa mga taong nangangailangan.

Image Credit via Google

Matatandaan naman na noong magdaos siya ng kanyang kaarawan ay nagtayo siya ng isang community pantry, na ang layunin nga ay makapagbigay ng tulong sa mga taong kapos at halos wala ng makain, ngunit dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay naging kontrobesryal nga ang espesyal na araw na ito para sa aktres.

Image Credit via Google

Noong araw nga na magdaos ng kaarawan ang aktres kasabay ng pagbubukas ng pinangunahan niyang community pantry sa Barangay Holy Spirit ay inako lahat ni Angel ang lahat ng pagkakamali, dahil sa isa ngang senior citizens ang nawala at dahil sa dinagsa nga ito ng napakaraming mga tao ay mayroon ding mga nagpositibo sa krisis.

Image Credit via Google

Kahit nga inako ng aktres ang lahat, at tinulungan naman nito ang pamilya ng nasawing senior citizens ay hindi pa rin siya tinantanan ng mga netizens at ilang trolls.

Image Credit via Google

Samantala, matapos nga ang pangyayari na ito ay isa namang kahanga-hanga pa ring gawin ang ipinamalas ni Angel sa kanyang kapwa. Kung saan noon ngang ika-1 ng Mayo at namataan ang aktres sa Mayon M Place clinic ng isang netizens at nakita nga nito ang ginawang pagtulong ng aktres sa isang ama.

Ibinahagi nga ng naturang netizens ang video ng aktres sa kanyang Twitter account. Nag-trending ang nasabing video dahil makikita nga ang naging pagtulong pinansyal ng aktres sa isang tatay na umiiyak habang binabantayan nito ang anak.

Nilapitan ng ani Angel ang mag-ama, at dahil sa iyak ng iyak ang bata ay inabutan niya ng pera ang tatay nito. “Yung bigla siyang lumapit sa tatay ng isang baby kasi naririnig niyang umiiyak. At pati kami ay nagulat sa actions na ginawa niya.




“Myghaaad, sana marami pang katulad niyo!!! akala ko sa mga news ko lang makikita ganon na eksena. Pero literal totoo. Huhu. God bless”, ang naging saad nga ng netizens sa video na kanyang ibinahagi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *