Angel Locsin Ibinahagi Ang Naging Masayang Pagdiriwang Ng Ika-94 Taong Kaarawan Ng Kanyang Ama

Si Angel Locsin ay isa sa mga aktres na hindi lang hinahangaan ng marami dahil sa kanyang pagiging isang mahusay na artista, kundi dahil na rin sa pagkakaroon niya ng kabutihan ng puso na tumulong sa kanyang kapwa.




Isa sa mga karakter niya sa telebisyon na tumatak sa maraming mga manonood ay ng gumanap siya bilang ang Iconic Pinoy superhero na si ‘Darna’,

kung saan nga ay pinatunayan niya na hindi lamang pang telebisyon ang kanyang karakter na ito, kundi maging sa totoong buhay ay mala-Darna ang kanyang ginawang pagtulong sa ating mga kababayan lalo na kung may mga sakuna o kalamidad.

Photo Credit: therealangellocsin/Instagram

Ngunit hindi nga lamang ang pagiging isang mahusay na artista at matulungin sa kapwa ni Angel Locsin ang kahanga-hanga sa kanyang personalidad, dahil maliban sa mga ito , ay isa rin siyang mapagmahal na anak sa kanyang mga magulang, lalo na nga sa kanyang ama.

Photo Credit: therealangellocsin/Instagram

Nito nga lamang nagdaang ika-17 ng Pebrero taon ng kasalukuyan, ay masayang ibinahagi ng aktres ang naging pagsalubong nilang magpamilya sa ika-94 taong kaarawan ng kanyang ama na si Daddy Angelo Colmenares.

Photo Credit: therealangellocsin/Instagram

Ayon nga sa aktres, ay mas minabuti nila na sa loob lamang ng kanilang tahanan ganapin ang selebrasyon ng pagdiriwang ng kaarawan ng kanyang ama, ito ay upang masiguro na rin na ligtas ang bawat isa sa nararanasan nating lahat ngayon na krisis.

Photo Credit: therealangellocsin/Instagram

Makikita nga sa larawang ibinahagi ni Angel sa kanyang Instagram ang kanilang naging simple ngunit makabuluhang selebrasyon, para sa kaarawan ng kanyang daddy.

Photo Credit: therealangellocsin/Instagram

At dahil nga sa kanilang tahanan lamang ginanap ang nasabing selebrasyon, ay nag-order na lamang sila ng mga pagkain na kanilang handa, kagaya na nga lamang ng empanada, chicken at liempo, na ayon nga sa aktres ay mula sa isang restaurant na kanyang ineendorso ngayon.

Photo Credit: therealangellocsin/Instagram

Labis na ang nagustuhan ni Daddy Angelo ang masarap na empanada, kaya naman ayon kay Angel, ay tila pwede na ring maging endorser ang kanyang daddy tulad niya.
Narito naman ang naging caption ni Angel sa mga larawan na kuha sa naging simpleng selebrasyon ng birthday ng kanyang daddy.

Photo Credit: therealangellocsin/Instagram




“Celebrating our dad’s 94th birthday at home saved @iammnginasal’s party pack dahil bawal lumabas si daddy, sarap daw ng chicken empanada. Pwede na siyang endorser. Try niyo din ang liempo”, ani Angel.

Sa kabila nga ng pagiging abala ni Angel Locsin sa kaliwa’t kanan niyang mga proyekto, ay sinisigurado naman ng aktres na mayroon pa ring siyang oras na inilalaan para sa kanyang minamahal na daddy Angelo, dahil para nga sa kanya ay ito ang isa sa pinaka importanteng tao sa kanyang buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *