Angel Locsin Ibinahagi Kung Paano Siya Nagsimula Sa Industriya Ng Showbiz

Ilang mga sikat at popular na artista sa showbiz industry ang nagsimula muna sa pagsali sa mga reality tv show, talent agencies, at pagmomodelo bago nga nila napasok ang industriyang kinabibilangan nila ngayon.



Ngunit may ilan namang mga artista na sa hindi inaasahang pagkakataon, ay nadiskubre sila ng mga talent manager kaya napasok nila ang showbiz industry. Katulad na lamang ng isa sa mga hinahangaang bituin ngayon sa showbiz at Kapamilya actress na si Angel Locsin.
Image Credit via Google
Ibinahagi ng aktres kung paano siya nagsimula sa pag-aartista at sa kung paano siya ay nadiskubre.
Image Credit via Google
Sa isang panayam sa morning talk show ng ABS-CBN na “Magandang Buhay”, a ibinahagi ni Angel Locsin kung paano siya ang nadiskubre bilang isang artista at kung paano ang mga unang taon niya sa showbiz.
Image Credit via Google
Ayon kay Angel nagsimula ang kanyang career sa industriya, ng nadiskubre siya habang siya ay namimili sa isang mall kasama ang kanyang best friend.
“Nag—grocery ako sa mall kasama ko yung best friend ko. Tapos may nakita akong nakapila sa lotto.”
Image Credit via Google
“Tapos lumapit sa akin… Parang Hala, ano to? Bakit niya ako nilalapitan?”
“So tumakbo ako palayo. ‘Yun bitbit kong plastic nun napunit so nagkaroon siya ng opportunity na maka-reach up.”
Image Credit via Google
Dahil nga sa pagkakaibigan ng plastic bag na ang laman ay ang kanyang mga pinamili ay nagawang lapitan ng lalaki si Angel, at dito nga ay tinanong siya nito kung nais o interesado ba siyang pumasok bilang isang modelo. Inabutan rin siya nito ng isang calling card, upang kung pag-isipan niya umano ang ini-aalok nito ay maaari niya itong matawagan.
Image Credit via Google
“Tapos binigyan niya ako ng calling card. Gusto lang pala niya ako kunin sa commercial.”
“So dun nagsimula’ Gusto mo ba mag commercial? Ako naman, any opportunity na makakatulong sa pamilya ‘Okay magkano ba?”
Image Credit via Google
Agad ngang tinanggap ni Angel ang alok sa kanya noon na maging isang commercial model, dahil batid niya na hirap ang kanyang pamilya sa pinansyal at ang oportunidad na ito na lumapit sa kanya ay isang malaking tulong para sa kanila.
Ibinahagi rin ng aktres na naging mahirap para sa kanya ang mga unang taon noong siya ay nagsisimula pa lamang. Kinakailangan niya umanong mag biyahe ng pagka layo-layo at ilang sasakyan pa ang kanyang sasakyan makarating lamang sa kanilang pagtatrabaho.
Ngunit dahil sa kagustuhan niyang matulungan ang kanyang pamilya, ay ininda niya ang lahat ng pagod na kanyang nadarama. “Magko-commute ako Caloocan, MRT, Bus papuntang Makati”, saad ng aktres.
Kwento pa ng aktres ay nagkaroon din sila ng hindi pagkakaunawaan noon ng kanyang ama dahil sa ayaw siya nitong payagan sa isang bagay, ito ay ng kailangan niya ang umattend ng workshops at isa sa mga rules sa workshops na hindi pabor ang kanyang ama ay ang hindi niya pwedeng sabihin kanino man maging sa kanyang mga magulang kung ano ang ginagawa doon.
Ngunit ayon sa aktres, ay agad rin naman maayos ang hindi nila pagkakaunawaan ng kanyang ama. Hanggang ngayon nga ay tinatamasa pa rin ng aktres ang magandang buhay at career, isa rin siya sa mga pinaka-sikat, popular at hinahangaan ng marami sa atin.



Hindi nga lamang hinahangaan ang aktres dahil sa kanyang galing sa pagiging isang artista, dahil ang mas kahanga-hanga pa sa kanya ay ang pagiging matulungin niya sa kapwa. Itinuturing siyang “Darna” ng marami nating mga kababayan, dahil sa tuwing mya mga sakuna, ay laging nandiyan ang aktres upang magpaabot ng tulong.
Kamakailan nga lamang ay isa ang aktres sa itinuturing na Forbes Asia’s Heroes of Philanthropy dahil sa kanyang ginawang pagtulong at kabutihan para sa kanyang mga kababayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *