Angel Locsin Ibinandera Muli Kung Gaano Niya Kamahal Ang Kanyang Fiancé Na Si Neil Arce

Muling ibinandera ng TV host-actress na si Angel Locsin sa lahat, kung gaano niya kamahal ang kanyang fiancé na si Neil Arce.




Kamakailan nga lamang ay nagdiwang ng kaarawan ang film producer na si Neil Arce. At sa pamamagitan nga ng social media, ay binati ng Kapamilya star ng ‘happy birthday’ ang kanyang future husband.

Photo Credit: neil_arce/Instagram

Makikita nga sa Instagram account ni Angel, ang naging pagbabahagi niya ng isang cute na cute at nakakaaliw na Tik Tok video ni Neil, na nilakipan pa nga niya ng isang napaka-sweet at nakakatuwang birthday greeting.

Photo Credit: neil_arce/Instagram

Narito nga ang naging birthday greeting ni Angel; “Bago mo ko i-murder for posting this, remind lang kita na mahal na mahal kita at ikaw lang ang taong kaya kong makita araw-araw.

Photo Credit: neil_arce/Instagram

“Happy birthday, my TikToker love”, ani Angel. Mababasa naman sa comment section na nag-reply si Neil sa mensahe na ito ng Kapamilya actress, kung saan nga ay sinabi nito na, “Love, I love you too, pero hindi ko pa b-day.”

Photo Credit: neil_arce/Instagram

“Sira. Nasa sakin birth certificate mo”, ang naging hirit naman ni Angel.
Muli namang sumagot si Neil sa kanyang fiancé, at ito nga ang kanyang naging sagot.
“Thanks love! Malapit na b-day mo, alam mo naman na babawiin kita”, ani Neil na may kasama pa ngang laughing at kissing emoji.

Photo Credit: neil_arce/Instagram

Hindi naman napigilang kiligin ng mga fans at IG followers ni Angel sa naging makulit ngunit napaka-sweet na usapan ng dalawa sa comment box. At dahil dito, ay marami nga sa mga netizens, ang humihiling na sana ay matuloy na ang pagpapakasal ng mag-fiance, at ang agad ng mabiyayaan ang mga ito ng anak.

Photo Credit: neil_arce/Instagram

Matatandaan na noong buwan ng Hunyo taong 2019 ng i-anunsyo nina Angel at Neil na silang dalawa ay engage na, at dapat nga ang kanilang kasal ay nakatakda ng naganap noong ika-8 ng Nobyembre taong 2020, ngunit dahil sa pagkakaroon ng krisis  ay nakansela ito.

Photo Credit: neil_arce/Instagram

Samantala, sa isang panayam naman ay sigurado na ng engaged couple na ‘this year’ ay matutulog na ang kanilang kasal.

Ibinahagi rin ni Neil, na napag-usapan na nila ni Angel kung anong wedding ang gusto nilang dalawa. Nais din ni Neil, na maibigay sa Kapamilya star ang wedding na talagang gusto at pangarap nito.




“Nag-usap na din kami ano ba ang gusto nating wedding? Since we’ve been friends for a long time, gusto lang talaga naming ay masaya ang lahat ng tao, hindi ‘yung ilang na ilang kang gumalaw.

“Sabi ko ‘di siya nag-prom, ‘di siya nag-debut, ‘yung mga ganoong bagay. Sana lang ay makuha niya ang wedding na gusto niya”, ani Neil.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *