Angel Locsin Inamin Ang Tunay Na Relasyon Niya Sa Kanyang Ina

magagandang career o trabaho na ginugusto ng marami dahil hindi naman talaga biro ang kinikita ng isang artista lalo na kung ikaw ay maging sikat at tuloy-tuloy ang iyong mga proyekto.




Wala ring makapagsasabi kung hanggang kailan magiging maganda ang takbo ng karera ng isang artista, maaring ngayon sobrang sikat nito at bumubuhos ang mga proyekto ngunit possible din na gumising sila isang araw na wala na ang kasikatan dahil may mga bago ng sumisikat at umusbong na mas batang mga artista.

Photo Credit: therealangellocsin/Instagram

Magkaganon man, may hindi rin magandang naidudulot sa buhay ng isang tao ang pagiging isang popular na artista, sapagkat kapag ganito ang estado ng iyong pamumuhay kadalasan ay nawawala ang pagiging pribado ng iyong buhay, maging ng iyong pamilya.

Photo Credit: therealangellocsin/Instagram

Ngunit may ilan pa rin namang mga artista, na sa kabila ng kasikatan ay napapanatili ang pribadong buhay ng kanyang pamilya.

Photo Credit: therealangellocsin/Instagram

Isa ang aktres na si Angel Locsin sa mga pinaka-popular at sikat na artista ngayon, at tunay na hinahangaan ng marami dahil sa kanilang angking galing sa pag-arte.

Photo Credit: therealangellocsin/Instagram

Marami sa atin ang nakaka-alam na ang buhay ni Angel Locsin ay tila isang bukas na aklat, lalo na sa kanyang mga taga suporta. Ang kanyang buhay bilang actress, maging ang kanyang buhay pag-ibig simula ng siya ay pumasok sa showbiz, ay sinubaybayan na ng kanyang mga taga suporta at tagahanga.

Hindi nga lamang kilala ng marami ang aktres bilang isang magaling at popular na artista, sapagkat marami din ang nakaka-alam kung gaano siya ka buting anak at kapatid sa kanyang mga magulang at mga kapatid.

Sa social media account ng aktres, makikita natin kung gaano ka importante sa buhay niya ang kanyang ama dahil sa madalas na pagbabahagi niya ng mga larawan na kasama ito.

Hindi rin matatawaran ang pagmamahal ni Angel sa kanyang ama, at ayon pa nga sa aktres, ang kanyang ama ang isa sa mga dahilan kung bakit siya pumasok sa industriya ng showbiz.

Karamihan nga sa atin ay talagang humahanga sa pagmamahal at pag-aalaga na ibinibigay ni Angel sa kanyang ama, ngunit may ilan na nag-iisip at nagtatanong kung paano naman pakikisama at relasyon ng aktres sa kanyang ina.

Dito ay inamin ng aktres, na naghiwalay ang kanyang mga magulang, ngunit kahit ganoon ang nangyari ay hindi umano nagbago ang pakikisama at relasyon niya sa kanyang ina.
“Ang hindi naming itinago is the fact na matagal na silang hiwalay ng dad ko,”
“Nagdadalaga pa lang ako, talagang wala na sila sa isa’t isa.”

“Naiintindihan naman nmin ‘yon dahil ‘yon naman talaga ang gusto nila. Iyon na ang napagkasunduan nila at nirerespeto namin yon.” Ayon nga kay Angel, ang naging desisyon ng kanyang mga magulang na maghiwalay ay maintindihan nilang magkakapatid at nirespero nila ‘yon.

“Ang sa akin lang, sana kung ano mang gulo sa buhay ko na may kinalaman sa trabaho ko, ‘yon na lang ang maging isyu o sentro.” “Kasi ang Mama at Dad (Mr. Angel Colmenares) ko, talagang hindi na pwedeng magkasama.”

“Tanggap namin ‘yon. But in spite of that, buo pa rin kami bilang pamilya.” “Na pag may isang nasaktan o nagkaproblema, lahat kami, e, nakasuporta.” Ibinahagi din ni Angel, na kahit pa nga matagal ng hiwalay ang kanyang Mommy Emma Colmenares sa kanyang Daddy, ay hindi naman nagbabago ang pagmamahal nito sa ina.




“Oo walang trabaho ang Mama ko at sinusuportahan ko siya. Dahil ako na rin ang may gusto na huwag na siyang magtrabaho.” “Although mas close ako sa tatay ko at siya ang lagi kong nakakasama at sa akin siya nakatira, hindi ibig sabihin no’n na pinapabayaan ko na ang Mama ko.”

“Mahal ko ang taong nagbigay sa akin ng buhay dito sa mundo.” Isa ang aktres na si Angel Locsin na naging bukas man ang kanyang buhay artista sa marami, ay sinisigurado naman niya na ang buhay ng kanyang pamilya lalo na ng kanyang mga magulang ay maging pribado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *