Angelica Panganiban Sinagot Ang Isyu Kung Sino Nga Ba Ang Mas Matimbang Sa Kanyang Mga Nakaraang Nobyo

Sa dami ng ating mga naging mga kasintahan, bawat isa sa kanila ay may kanya-kanyang mga katangian na kung saan ay bumihag ng ating mga puso. Maliban pa rito, bawat isa sa kanila ay may katangiang kakaiba. Bagama’t nakaraan na ang lahat ng nangyari sa inyo, masarap pa ring balik-balikan ang mga masasayang mga alaala at ang mga dahilan kung bakit ka nagpakatanga para sa kanila

Photo Credit: PEP/Google




Ganito ang tema ng panayam ni Angelica Panganiban sa isang video ni Patty Yap na “Truth or Dare.” Bilang isang kilalang hugotera, pag-ibig ang karamihang ibinatong mga tanong sa aktres. Isa sa mga tanong sa kanya ay kung sino sa kanyang mga nakaraang kasintahan ang hanggang ngayon ay naaalala pa rin niya.

Photo Credit: Angelica Panganiban/Google

Matapat na sinagot ni Angelica ang katanungan at sinabing si John Lloyd, ang kaniyang pinaka-huling naging kasintahan. Bagama’t naalala niya, hindi naman raw ito malungkot na pag-alaala. Bagkus, naalala niya raw si Lloydie sa mga bagay na madalas nilang ginagawa at sa mga lugar na madalas nilang puntahan. Matatanda Ang naghiwalay ang dalawa noong taong 2016 matapos ang 4 na taon simula nang maging sila noong 2012.

Photo Credit: John Lloyd Cruz/Google

Tinanong rin si Angelica kung sino sa kanyang mga naging nobya ang pinakamasarap. Sa muli, matapang na sinagot ni Angelica ang katanungan at inaming ito ay si Derek Ramsay. Paliwanag ni Angelica, si Derek lang naman daw ang may “abs” at magandang katawan sa tatlong naging nobyo niya. Isa rin raw ito sa mga dahilan kung bakit nahuhumaling siya sa aktor.

Photo Credit: Derek Ramsay/Google

Bilang pangwakas, nagbigay si Angelica ng isang malalim na mensahe tungkol sa pag-ibig. “Grabe, ‘no, yung ginagawa sa iyo ng love. Puwede kang umabot sa hindi mo na alam yung worth mo ulit. Pwede mo kasi yung ma-gain, e. At pwede mo rin yun ma-lose kahit na anong pag-iingat mo, kaya dapat sobra mong stable pag nagmahal ka na. Dapat sure na sure ka kung gaano ka-importante ang self mo para kahit anong sabihin sa iyo…” Sana’y maging aral ang lahat ng sinabi ni Angelica sa lahat ng mga nagpapakatanga sa pag-ibig hanggang ngayon.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *