Angeline Quinto Ipinasilip Sa Madla Ang Kanyang Naipundar Na Napakagandang ‘Dream House’

Si Angeline Quinto ay isa sa mga popular na mang-aawit ngayon sa industriya ng showbiz. Isa siya sa mga kilalang biretera sa ating bansa, at mula nga ng tunghayan ang publiko ang kanyang husay at galis sa pagkanta ay tinagurian na siyang ‘Birit Queen’.




Dahil nga sa naging pagsisikap ni Angeline sa kanyang trabaho bilang isang mang-aawit at aktres, ay binigyan niya ng katuparan ang noon ay pinapangarap lamang nila ng kanyang Mama Bob, at ito nga ay ang magkaroon ng kanilang sariling tahanan o ang kanila ngang ‘dream house.’

Image Credit via YouTube

Sa kabila nga na ngayon ay hindi na kasama ni Angeline sa kanyang buhay ang kanyang pinakamamahal na si Mama Bob, na siya ngang nag-aruga at nagpalaki sa kanya, ay buong kasiyahan niya pa ring ipinasulyap sa publiko ang dreamhouse na kanyang naipundar.

Image Credit via YouTube

Agad ngang makikita sa bungad pa lamang ng tahanan ng actress-singer ang kanilang pintuan na mayroong nakaukit na imahe ng bituin, na ayon nga kay Angeline ay ito ang sumisimbolo sa kanyang naging tagumpay.

Image Credit via YouTube

Pagpasok naman sa loob ng tahanan ni Angeline, ay makikita naman ang living area, na ayon nga sa singer, ay ito ang ‘favorite spot’ ng kanyang Mama Bob, kung saan ay madalas nga umano itong umuupo noon sa kanilang napakalaking sofa, lalo na tuwing umaga.

Image Credit via YouTube

Mayroon ring makikitang piano sa living area, kung saan ay regalo umano ito sa singer-actress.

Image Credit via YouTube

Kasunod namang ipinasilip ni Angeline, ay ang kalapit na bahagi ng living area nila, at ito nga ay ang dining area, na sa kanya, ang dining table na makikita sa bahagi na ito ng kanilang bahay ay regalo sa kanya ng malapit na kaibigan niya sa industriya na si Vice Ganda.

Image Credit via YouTube

Batid naman ng marami sa atin na isa si Angeline Quinto sa mga personalidad sa showbiz, na deboto ng Poong Nazareno, kaya naman sa kanyang tahanan ay hindi mawawala ang imahe nito.

Image Credit via YouTube

Mula nga sa dining area, ay sunod na tinungo ng singer-actress, ang kitchen area nila na ipinagawa umano ng celebrity doctor na si Dra. Vicki Belo, bilang regalo sa kanya, dahil sa batid nito ang pagkahilig niya sa pagluluto.

Image Credit via YouTube

Ipinakita rin niya ang isa sa mga nagsisilbing dekorasyon sa loob ng kanilang tahanan, at ito nga ay ang painting na regalo sa kanya ng King of Talk na si Boy Abunda, na ibinigay nito sa kanya, noong siya ay maging panauhin nito sa programa nito noon na ‘The Buzz.’

Hindi naman nawala sa loob ng tahanan ni Angeline ang pagkakaroon niya ng sariling music room, kung saan dito nga ay makikita ang kanyang mga natanggap na platinum at gold records awards.

Mapapansin pa nga na naka-display sa naturang silid ng isang ‘green gown’ na matatandaan na isinulat ni Angeline noong ika-20 ng Pebrero taong 2011 sa ginanap ngang grand finals ng Star Power.

Video Credit: Angeline Quinto/YouTube

Samantala, huli naman na ipinasilip ni Angeline, ang tinutulugan silid noon ng kanyang Mama Bob, at ang prayer room na kanyang nagawa para sa kanyang ina.




Ibinahagi naman ni Angeline, na ngayong hindi na niya makakapiling sa bawat tagumpay niya sa buhay ang kanyang Mama Bob dahil sa naging [email protected] na nito, ay hindi naman umano mawawala sa kanya ang mga alaala at parangal nito, na habang buhay niya ngang babaunin sa kanyang puso’t isipan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *