Angeline Quinto Nagluto Ng Isang Masarap Na Putahe Gamit Ang Mga Gulay Sa Kantang Bahay Kubo

Hindi na nga lamang basta pag-awit ang pinagkakaabalahan ngayon ng singer na si Angeline Quinto, dahil maliban dito ay abala na rin siya sa kanyang YouTube channel kung saan ay nagbabahagi siya ng mga nakakaaliw na videos para sa kanyang mga tagahanga.




Isa nga sa mga nakaka-aliw na vlog ni Angeline ay kanyang ini-upload noon lamang ika-4 ng Hunyo, kung saan ginawa niya ang isang challenge para mabigyan ng kasiyahan ang mga tagahanga niya. Ang challenge nga niyang ito ay ang pagluto ng masarap na putahe gamit ang mga gulay na nabibilang sa folk song na Bahay Kubo.

Image Credit via YouTube

Para naman magawa niya ang challenge niyang ito, ay inuna ngang gawin ni Angeline ang pagtungo sa palengke upang mabili ang lahat ng gulat at sangkap na kanyang kakailanganin.

Image Credit via YouTube

Inawit pa nga niya ang naturang kanta para naman malaman niya kung ano ang mga gulay na dapat niyang bilhin. Nabanggit naman niya na ang may akda ng awiting Bahay-Kubo ay si Felipe Padilla De Leon.

Image Credit via YouTube

Kahit naman maaga ng nagtungo sa palengke si Angeline, ay mayroon pa ring ibang mga gulay ang hindi niya nabili, dahil ayon nga sa nakausap niyang ‘vendor’ ay hindi panahon ng mga naturang gulay kaya naman halos walang ganitong tinda sa palengke. Para makumpleto ang kakailanganin niyang sangkap at gulay, ay pinalitan na lamang ni Angeline ang ibang mga gulay.

Image Credit via YouTube

Agad namang chineck ni Angeline ang mga pinamili niyang gulay pagdating sa kanilang bahay, upang malaman nga kung nakumpleto niya ba ang mga gulay na nasa kantang Bahay Kubo.

Image Credit via YouTube

Ang mga gulay nga na kanyang pinalitan dahil sa hindi ito abeylabol sa palengke ay itino-no na lamang niya sa kanta. Kabilang nga sa mga gulay na hindi niya nabibili ay bataw, patani at kundol kung saan pinalitan nga niya ang mga ito ng talbos ng kamote, kamote at kangkong.

Nang tiyak na nga ni Angeline na kumpleto na lahat ng kanyang kailangan sa putaheng kanyang lulutuin ay sinimulan na niya ang paghahanda at pagluluto. Habang nagluluto ay ipinapakita nga ni Angeline lahat ng kanyang ginagawa, kung saan ang putahe pa ngang kanyang niluto ay hinaluan niya ng isda at karne na nakuha niya sa kanilang refrigerator.

Sa pinamili ngang gulay ni Angeline ay maraming putahe ang kanyang nailuto, kagaya na lamang ng pakbet na pinaresan niya ng pritong dain na bangus. Nakapagluto rin siya ng sinigang na baboy, karne ng baboy na may upon a pinaresan naman ng pritong isda na dalagang bukid.

Video Credit: Angeline Quinto/YouTUbe

Dagdag pa sa mga naluto niya ang miswa na may patola, at salad na ang sangkap ay singkamas, kamatis, labanos, mustasa, sibuyas at linga. Katulong naman ni Angeline sa pagprepara ng lahat ng kanyang mga niluto ang kanyang kasama sa bahay.




At talaga namang sa dami ng mga pagkain na kanyang nailuto, ay masasabi nga na sa mga gulay na nasa kantang Bahay Kubo ay marami ng masasarap na putahe kang magagawa.

Hinikayat naman ni Angeline ang mga tagasubaybay niya na lutuin din ang ilan sa mga putahe na kanyang naluto. At kinaaliwan naman ng mga netizens ang vlog niyang ito, lalo pa’t napagtagumpayan nga niya ang challenge.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *