Angus Beef Tinapatan Ng Angas Beef Ng Batangas!

Tayong mga Pilipino ay madalas namamangha sa mga imported na produkto o ‘yong mga produktong galing sa ibang bansa. Bagama’t mahal, tinatangkilik pa rin natin ito dahil nga “imported.” Para sa atin, mas maganda ang kalidad ng mga produkto mula sa ibang bansa. Pero lingid sa ating kaalaman, kaya pala nating lumikha ng mga produktong kasing ganda ng kaledad ibang bansa.




At ito na nga ang ginawa ng Dv Boer Farm mula sa Balibago, Lian sa probinsya ng Batangas. Marami sa ating mga Pilipino ang naghahangad ng Angus Beef. Ang Angus Beef ay isang uri ng karne ng baka na matatagpuan lamang sa ibang bansa. Masarap ang ganitong uri ng karne ng baka kumpara sa iba. Ngunit dahil kailangan pa itong i-import mula sa ibang bansa, medyo may kamahalan ito kumpara sa ibang karne.

Pero good news para sa mga mahilig sa Angus beef dahil nakapag-produce ang Dv Boer Farm ng “Angas Beef” na para sa kanila ay pang tapat ng ating bansa laban sa Angus beef ng ibang bansa. Nagsimula ito nang planuhin ni Dexter Villamin, ang CEO ng Dv Boer Farm, ang pagkakaroon ng makabagong breeding ng mga hayop sa kanilang farm upang makapagbigay ng mga de-kalidad na karne.

Ang Angas Beef ay hango sa salitang Batangas Beef na pinaikli lamang. Ayon kay Dexter, kilala na ang Angas beef hindi lang sa buong Pilipinas kundi maging sa ibang bansa na din. Sa katunayan, mas masarap pa nga raw ang Angas beef kumpara sa Angus beef. Ginamitan raw ni Dexter ng makabagong teknolohiya ang pagpapalaki ng kanyang mga hayop para makapag-produce ito ng mga de-kalidad na karne.

Ayon pa kay Dexter, healthy raw ang ating mga baka hindi dahil sa mga hormones na tinuturok dito kundi dahil damo raw ang ginagamit nating pagkain para sa kanila.
Isa lamang itong patunay na kayang-kaya ng mga Pinoy na makipagsabayan sa mga imported na produkto kaya sana ay tangkilin rin nating mga Pilipino ang sariling atin.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *