Anna Larrucea Ng Magic Temple Masaya Sa Simpleng Pamumuhay Ngayon Malayo Sa Industriya Ng Showbiz

Sa buhay ng ilang nakilala nating mga artista, may ilan na nananatili sa industriya kahit pa nga ba ang kapamilya na sila o di kaya ay magka-edad na.




Mayroon din naman tayong mga kilalang artista na, dahil sa pagkakaroon ng pamilya ay ninais ng lisanin ang industriya ng showbiz upang mas maging simple at tahimik ang buhay kasama ang binuo nilang pamilya.

Photo Credit: #annalarrucea/Instagram

Isa sa sa mga makikinang na bituin noon si Anna Larrucea, na nagawang iwan ang showbiz upang magkaroon ng simple at tahimik na buhay. Ngayon nga ay masayang namumuhay ang dating Magic temple star kasama ang kanyang asawang si Robert Pangilinan at ang kanilang anak na lalaki.

Photo Credit: #annalarrucea/Instagram

Taong 90’s ng namumukadkad sa industriya ng showbiz ang pangalan ni Anna Larrucea at makilala siya bilang isa sa mga popular teen actress. Kabilang din siya sa afternoon show para sa mga kabataan noong 90’s na “Ang TV”, at ilan pa nga sa mga proyektong kanyang kinabibilangan ay ang Kaybol, Gimik at Mula sa Puso.

Photo Credit: #annalarrucea/Instagram

Hindi naman kataka-taka na marami ang humanga kay Anna Larrucea noon, dahil sa pagkakaroon niya ng natural na ganda at karisma, kung saan maging hanggang ngayon ay nanatili pa rin sa kanya.

Photo Credit: #annalarrucea/Instagram

Matatandaan din na kabilang si Anna sa mga naging bida sa Batang X noong 1995, Ang TV:The Movie noong 1996 at Batang PX noong 1997. Ngunit ang pinaka-malaking proyekto nga na kanyang kinabibilangan at talagang tumatak sa maraming manonood ay ang Magic Temple noong 1996.

Photo Credit: #annalarrucea/Instagram

Kabilang din siya sa Baby Love, kung saan ay kabilang din dito ang karamihan sa mga cast na kasama niya sa Magic Temple.




Isa nga si Anna sa mga showbiz personality na mas pinili ang iwan ang makinang na bituin ng pagiging artista, upang mas mamuhay ng simple. Masaya nga ang dating star ng Magic Temple ngayon sa buhay niya bilang isang housewife at mommy ng kanyang anak.

Photo Credit: #annalarrucea/Instagram

Hanggang ngayon nga ay may ilang pa ring kabataan na nakakakilala sa dating aktres na sj Anna Larrucea, at maging ang mga batang 90’s ay talagang hindi nakakalimutan ang minsang teen actress na hinangaan nila noon dahil sa taglay nitong ganda at talento bilang artista.

Photo Credit: #annalarrucea/Instagram

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *