Anne Curtis Ibinahagi Kung Paano Napapanatiling Fit Ang Katawan Sa Kabila Ng Kanyang Pagiging Abala Bilang First Time Mom

Kapansin-pansin nga sa mga larawan ng first time host-actress na si Anne Curtis, na sa kabila ng pagiging isa na niyang mommy ngayon, ay hindi naman nagkaroon ng pagbabago ang seksi at fit niyang pangangatawan.




Halos wala ngang nabago sa pangangatawan ni Anne, simula ng siya ay magbuntis, hanggang sa isilang niya ang baby niya na si Dahlia.

Photo Credit: annecurtissmith/instagram

Ngunit kahit pa nga ba, hindi naman nagbago ng husto ang hubog ng kanyang katawan, ay inaalagaan pa rin ng aktres ang kanyang pangangatawan, at hindi kinakalimutan na mag-ehersisyo sa araw-araw upang manatiling fit sa kabilang pagiging abala niya sa pag-aalaga sa kanyang anak.

Photo Credit: annecurtissmith/instagram

Makikita sa video na ini-upload ng Tv host-actress sa kanyang Instagram, kung paano niya isinasabay ang kanyang pag-eehersisyo, habang ipinapasyal ang anak na si baby Dahlia.
Kalakip nga ng video na ito na ibinahagi ni Anne, ay ang kanyang caption na;

Photo Credit: annecurtissmith/instagram

“Squeezing in a work out is always tricky now that I have a little one. So happy to to discover this fun way of working out while going on my daily walks with Dahlia. Thanks for the inspo @melissawoodhealth! It’s so good!”

Photo Credit: annecurtissmith/instagram

Tuwing umaga nga ay ipinapasyal ni Anne si baby Dahlia gamit ang stroller nito, at ito ay paraan rin niya para mapatulog ito, kasabay ang kanyang pag-eehersisyo.

Photo Credit: annecurtissmith/instagram

“P.S – the back and forward movement put her to sleep in time for her morning nap”, saad pa ni Anne sa kanyang post. Tunay ngang napakaimportante kay Anne Curtis, ang pagiging fit at healthy, dahil ito ay kinakailangan rin niya sa kanyang trabaho.

Photo Credit: annecurtissmith/instagram

Sa video nga ay makikita na hindi alintana ni Anne, na nasa loob ng stroller si baby Dahlia, habang siya ay nag-eehersisyo.

Marami naman sa mga tagahanga ng It’s Showtime host, at Diyosa ng showbiz industry, ang naaliw sa kanyang ginagawang pag-eehersisyo habang binabantayan at inaalagaan ang kanyang si baby Dahlia.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith)

Inspirasyon naman para sa ibang mommy, ang ginawang ito ni Anne, na sa kabila ng pagiging abala natin sa ating mga anak, ay magkaroon pa rin tayo ng konting oras para mapanatiling fit at healthy, ang ating mga sarili.




Narito nga ang ilan sa mga naging komento ng mga netizens, sa video na ini-upload ni Anne, kung saan makikita ang kanyang naging pag-eehersisyo habang nasa stroller si baby Dahlia.

“Ohh this is great! *taking down note for future reference.” ‘Wow nice ann, I like your routine exercise with your preety daughter.” “Okkk was thinking of missing my workout today…. Got inspired by thisss.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *