Anne Curtis Masayang Ibinahagi ang Naging Lutu-Lutuan Bonding Ng Kapatid Na Si Jasmine Curtis-Smith At Anak Na Si Dahlia

Kapag nga naman busy ang mommy ay ‘to the rescue’ sa pag-aalaga ng kanilang baby ang kanilang mga kapatid na babae o in short nga ay ang mga ‘tita’.




Kagaya na nga lamang nito ay ang naging masayang pagbabantay ni Jasmine Cusrtis-Smith sa kanyang pamangkin na si Baby Dahlia Amelia, ang anak ng kapatid na “It’s Showtime” host na si Anne Curtis.

Photo Credit: annecurtissmith/Instagram

Dahil nga sa pagiging abala ni Anne sa kanyang trabaho na ginagawa niya sa kanyang online zoom meeting, ay ang kanya muna ngang kapatid na si Jasmine ang nagbantay at nakipaglaro sa kanyang anak na si Baby Dahlia.

Photo Credit: annecurtissmith/Instagram

Maliban nga sa number one playmate ni Baby Dahlia na si Tili, ang kanyang pinsan na anak nga ng kapatid ng kanyang amang si Erwan Heussaff na si Solenn Heussaff-Bolzico ay isa na nga sa mga playmate ngayon ni Dahlia ang kanyang Tita Jasmine.

Photo Credit: annecurtissmith/Instagram

Samantala, masaya ngang ibinahagi ni Anne Curtis sa kanyang Instagram account ang naging masayang bonding ng kanyang kapatid na si Jasmine sa kanyang Baby Girl na si Dahlia. Makikita nga ang naging post ng “It’s Showtime” host ng video kung saan ay masayang naglalaro ng lutu-lutuan ang mag-tita [Jasmine at Baby Dahlia].

Photo Credit: annecurtissmith/Instagram

Ang nagsilbing playground nga ng mag-tita ay ang playhouse ni Dahlia at nilalaro nga nila sa loob nito ang wooden kitchen na mismong ineregalo ni Jasmine sa kanyang pamangkin noong nagdiwang ito ng ika-1 taong gulang na kaarawan nito.

Makikita nga sa video na enjoy na enjoy si Baby Dahlial habang naglalaro ng lutu-lutuan, habang ang kanyang Tita Jasmine ay game na game rin na nakikipaglaro sa kanya.
Kalakip naman ng video na ito ay ang naging pagpapahayag ni Anne ng kanyang pasasalamat sa kapatid, dahil sa naging pag-aalaga at pakikipaglaro nito kay Dahlia habang siya nga ay abala sa pagsagot ng kanyang mga online meetings.

“#IDontSayThisEveryDayBut thank you to sestra for being an amazing Tata. Whenever I have a day full of zoom meetings or one of the rare days I go out to work or may it be just random day, I appreciate you coming to play house or lutulutuan and yes, even magic magi [laughing emoji] with Dahlia. Love you sestra @jascurtissmith”, ani Anne.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith)

Nagkomento naman si Jasmine sa naging post na ito ni Anne sa Instagram nito, kung saan ay kanya ngang sinabi na, “I love you sestraaaaaa @annecurtissmith!!! Anytime and anything for you, always!”




Sa Instagram stories naman ni Jasmine ay makikita ang naging pag-repost niya ng video na ibinahagi ni Anne sa IG nito at kalakip nga nito ay ang naging caption niya naman na “favorite role” niya ang pagiging tita at ine-enjoy niya ang pakikipaglaro sa pamangkin niyang si Dahlia.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *