Lovi Poe Ibinahagi Ang Career Na Maaring Tahakin Kung Nabubuhay Pa Ang Kanyang Ama

Masaya ang magkaroon ng isang ama na gagabayan ka sa iyong paglaki. Malaki ang parte ng isang ama sa paglaki ng kanyang anak. Tinuturuan nito ang kaniyang na maging isang malaya at marunong tumindig sa sariling paa.

Maliban pa rito, sila rin ang gumagabay, kasama ng ina, sa kanilang mga anak patungo sa landas na nais na tahakin ng mga ito. Kaya naman, napakaswerte ng mga anak na hanggang ngayo’y may isang ama na gumagabay sa kanila.

Photo Credit: Google




Noong Agosto 20 ay ipinagdiwang ang sana’y ika-80 taong kaarawan ng Hari ng Pelikulang Pilipino na si Fernando Poe, Jr. o mas kilala bilang si FPJ. Disyembre 14 ng taong 2004 nang pumanaw si Da King. At matapos nga ang 14 na taon, hindi pa rin kumukupas ang pagmamahal ng mga tao kay FPJ. Taun-taon, nagdaos ng isang misa ang pamilya ni FPJ sa pangungu ng kanyang asawang si Susan Roces sa kanyang puntod sa Manila North Cemetery kasama ang mga taga-suporta nito.

Photo Credit: Google

Naging kaugalian na ito ng pamilya nina Susan Roces. At nitong Martes, namigay ang kanilang pamilya ng mga groceries at laruan sa mga taga-suporta na dumalo sa misang inihanda nila para kay FPJ. Balak rin namang puntahan ni Lovi Poe, isa sa mga anak ni FPJ, ang puntod ng kanyang ama. Ayon pa kay Lovi, matagal-tagal na rin siyang hindi makakapunta sa puntod ng kanyang ama. Mag-aalay rin raw siya ng dasal para sa kanyang yumaong tatay.

Bilang kaarawan ng kanyang ama, may mga bagay na iniisip si Lovi na maaaring mangyari kung sakaling buhay pa raw si FPJ. Ayon kay Lovi, maaaring iba ang takbo ng kanyang buhay at karera ngayon kung sakaling buhay pa raw ang kaniyang ama.

Bagama’t masaya naman siya kung saan siya ngayon, iba pa rin raw na may gumagabay sa kaniya. Sa katunayan, baka raw na naging psychiatrist siya kung buhay pa ang kanyang ama. Alam rin raw ni Lovi na kahit wala na ang kanyang tatay, binabantayan pa rin raw sila nito sa langit.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *