Apo Ni Kuya Germs Na Si Gab Moreno Makikipagsapalaran Na Rin Sa Mundo Ng Showbiz

Makikipagsapalaran na rin sa mundo ng showbiz ang 23-taong gulang na si Luis Garbriel Moreno o mas kilala ngayon ng publiko sa screen name niyang Gab Moreno.
Si Gab Moreno ay apo ng pumanaw na star builder at master showman na si German Moreno, kaya naman hindi na bago para sa kanya ang pagiging isang aspiring actor.




Maliban sa pagiging kilalang apo ng master showman ng Philippine showbiz, ay nakilala rin si Luis Gabriel ng maraming Pilipino ng siya ay magbigay karangalan sa ating bansa.
Isa kasi si Gab Moreno sa mga nag-uwi ng gold medal sa acrchery sa Summer Youth Olympics na ginanap noong ika-16 hanggang ika-28 ng Agosto taong 2014 sa Nanjing Jiangsu, China.

Photo Credit: _gabmoreno/Instagram

Nang manalo si Gab ng Gold medal noon ngang taong 2014 sa Summer Youth Olympics ay isang tribute sa Walang Tulugan with The Master Showman ang ibinigay sa kanya sa kanya ni Kuya Germs, bilang pagkilala sa ibinigay niyang karangalan sa ating bansa.

Photo Credit: _gabmoreno/Instagram

Samantala, ngayon ngang sasabak na si Gab sa pag-aartista, ay naniniwala naman siya na kung nasaan man ngayon ang kanyang Lolo German Moreno ay maligaya ito para sa kanya.
“Nalulungkot nga po ako na hindi niya po ako naabutan na pumasok sa pag-aartista sa industriyang ito pero feeling ko, tuwang-tuwa po siya.

Photo Credit: _gabmoreno/Instagram

“Alam ko po na sa mga apo niya, matagal na niya kaming gusto, kahit isa sa amin, ang mag-artista. Inilahad ni Gab kung gaano niya kamahal ang kayang Lolo, at isa nga ito sa mga naging inspirasyon niya na pasukin ang industriya ng showbiz na minahal nito.

Photo Credit: _gabmoreno/Instagram

“Sobrang mahal ko po talaga ang lolo ko. I call him Papa, sobrang mahal ko po talaga iyan.
“Saka isa siya sa pinakamalaking inspirasyon sa buhay ko kaya natutuwa ako na napasok ko ang industriyang pinasukan niya at nakita ko po kung bakit siya napamahal dito.”

Noon ngang ika-10 ng Oktubre sa oras na 4:25 pm, ay napanood na ang “The Signs”, ang episode ng GMA Regal Studio Presents, kung saan ito ang unang acting assignment ni Gab. Nakatrabaho at nakapareha ng binata sa proyektong ito ang isa sa mga sikat na Kapuso actress, na si Bianca Umali.




Dagdag na saad pa ni Gab ay mapalad siya dahil sa unang acting assignment niya ay isa agad sa mga mahuhusay at magandang aktres ang kanyang nakapareha.
“I am very lucky na I got to play it [my role] with Bianca. She’s a very good actress, yun ang pinaka-memorable sa akin,” ani Gab sa panayam sa kanya ng Cabinet Files.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *