Ara Mina Mala Dyosa Ang Taglay Na Kagandahan Sa Naging Prenup Photoshoot Nila Ng Kanyang Non-Showbiz Fiancée

Para sa nalalapit na pag-iisang dibdib ng aktres na si Ara Mina at kanyang non-showbiz fiancée na si Dave Almarinez ay binigyang katuparan muna nila ang pangarap ng aktres na magkaroon ng isang napakagandang prenup photoshoot na noon pa man ay kanya ng pinangarap kapag siya’y ikinasal.




At tunay ngang isang ‘dream come true’ para kay Ara ang naging prenup photoshoot nila ng kanyang kasintahan, dahil sa nakamamangha naman talaga ang mga larawan nila na kinunan sa isang isla ng Palawan na maituturing naman na isang Paraiso ang ganda.

Image Credit: therealaramina/Instagram

Sa kanyang social media account noong ika-28 ng Abril ay makikita ang naging pagbabahagi ni Ara ng mga larawan ng kanilang naging prenup ng kanyang fiancée, kung saan makikita nga sa bawat larawan ang kanilang labis na kasiyahan at pag-ibig sa isa’t isa habang sila ay nasa isang mala-paraisong lugar dahil sa ganda ng mga tanawin.

Image Credit: therealaramina/Instagram

Base sa naging caption ng aktres, ang dream photo shoot nilang ito ng kasintahan niyang si Dave ay kinunan sa isang napakagandang lugar sa Culion, Palawan, at ito nga ay ang Sunlight Eco Tourism Island Resort.

Image Credit: therealaramina/Instagram

Makikita na si Ara ay nakasuot ng isang off shoulder white gown na talaga namang bagay na bagay sa kanya kaya naman lumitaw pa ang kanyang mala-diyosang ganda, samantala ang kanyang fiancée na si Dave ay nakasuot naman na isang pink coat na umayon sa suot na white gown ng aktres.

Image Credit: therealaramina/Instagram

Kalakip ng mga larawan na ito, ay ang naging caption ng aktres na tila nga isang matalinhagang mga salita na nagpapahiwatig ng tungkol sa tunay na kahulugan ng pag-ibig.

Image Credit: therealaramina/Instagram

“When a man truly loves a woman she becomes his weakness. When a woman truly loves an man he becomes her strength. This is called exchanges of power.”

Image Credit: therealaramina/Instagram

Samantala ang mga nag-gagandahang mga larawan nga na ito ng magkasintahan na malapit ng maging mag-asawa ay binigyang katuparan ng popular na photograph company, ang Nice Print Photography na siya rin ngang kumuha noon ng mga larawan ng ma-engaged si Ara Mina at Dave Almarinez.

Image Credit: therealaramina/Instagram

Ang binansagan noon na ‘Pantasya ng Bayan’ ng showbiz na si Ara Mina ay na-engaged sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Dave Almarinez noong buwan ng Enero taon ng kasalukyan. Si Ara ay isang actress-entrepreneur na 41-taong gulang na, samantala 45-taong gulang naman si Dave na isang CEO ng Philippine International Trading Corporation.




Masasabi nga na nabigyang katuparan na ang matagal ng pinapangarap ng aktres na si Ara Mina, at ito nga ay ang matagpuan na ang lalaking magiging katuwang niya habang buhay na mahal na mahal siya at mahal na mahal rin niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *