Arabella Del Rosario Malaki Ang Pagtitiwala Sa Pagmamahal Ng Nobyong Si Jimuel Pacquiao

Ibinahagi ng Star Magic Talents na si Arabella del Rosario na kahit nagkaroon ng krisis sa ating bansa at patuloy pa rin ang naging pagpapatupad ng community quarantine sa iba’t ibang mga lugar sa bansa ay hindi naman ito naka-apekto sa relasyon nila ng kanyang nobyong si Jimuel Pacquiao.




Ayon pa nga sa dalaga, ay mas tumibay pa at naging exciting ang relasyon nila ni Jimuel, sa kabila na bihira nga sila magkita at magkasama ngayon.
“Kami kasi ni Jimuel, we’re very close. We started off as friends tapos we’re very communicative with one another.

Image Credit via Google

“He’s always measures naman and he doesn’t give me any reason to doubt anything.”
Pagbabahagi ni Arabella, dahil sa madalas silang nag-uusap ni Jimuel ay hindi sila nagkakaroon ng anumang problema sa kanilang relasyon. At hindi rin umano gumagawa ang binata ng anumang dahilan para pagdudahan niya ito.

Image Credit via Google

Dagdag pa niya, “So hindi naman ganu’n kahirap ang relationship namin.” Chika pa ni Arabella, napaka-supportive na boyfriend ng anak ni Sen. Manny Pacquiao, kaya naman talagang very thankful siya dahil maliban sa pagmamahal at tiwala na ibinibigay nito sa kanya, ay todo rin ang suporta nito sa kanyang career.

Image Credit via Google

Kagaya na nga lamang ng sa bago niyang endorsement. “He’s very happy for me. Very supportive boyfriend naman siya sa akin. He said to me to do my best and kaya ko daw ‘to. Sabi niya you should believe in what you endorse.”

Image Credit via Google

Nagbigay naman ng advice ang dalaga para sa mga young couple na tulad nila ni Jimuel.
“Ang masasabi ko talaga du’n is put God in the center of your relationship kasi pag yun nangyrai everything will follow.”




Dagdag pa ng dalaga, “And use other as an inspiration to set the goals like finishing your studies. That’s very important. So, you have to set goals together and put God in the center of your relationship.”

Si Arabella del Rosario ay isa sa mga bagong talents ngayon ng Star Magic, samantala ang kanyang nobyo namang si Jimuel Pacquiao ay anak ni Sen. Manny Pacquiao at isa ring talent ngayon ng nasabing talent company.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *