Arce Muňoz Pinasalamatan Ang Philippine Air Force Para Sa ‘Recognition’ Na Kanyang Natanggap

Nang sumiklab ang panahon ng krisis sa ating bansa ay marami sa ating mga kilalang sikat na artista ang piniling magbigay serbisyo sa ating bayan, kung saan ilan nga sa kanila na nagnais na magbigay lingkod sa ating bansa, kaya naman nag-training ang ilan sa kanila sa Philippine Air Force para maging ganap na miyembro nito at magawa ang nais nilang pagbibigay serbisyo sa ating bansa lalo na sa panahon ng krisis.




Kabilang ang maganda at hinahangaang aktres sa industriya ng showbiz na si Arci Muňoz sa mga nagnais na makapagbigay serbisyo sa ating bansa sa panahon ng krisis, kaya naman isa siya sa mga nag-training sa Philippine Air Force.

Photo Credit: ramonathornes/Instagram

Parang kailan nga lamang ng masayang ibalita ni Arci sa publiko ang pagiging ganap niyang miyembro ng Philippine Air Force. At ngayon nga ay talaga namang buong pusong ginagampanan ni Arci kanyang pinasok na tungkuulin, kaya naman nito lamang nakaraan ay nakatanggap siya ng plaque of recognition mula sa nasabing ahensya.

Photo Credit: ramonathornes/Instagram

Sa social media account ng aktres, ay kanyang ibinahagi ang larawan kung saan ay makikita siyang may hawak-hawak na ‘plaque’, kung saan ito nga ay ang recognition na iginawad sa kanya ng Philippine Air Force. Kalakip nito, ay ang pasasalamat niya sa ahensya sa pagbibigay nito sa kanya.

Photo Credit: ramonathornes/Instagram

“THERE IS NO LIMIT TO WHAT WE, AS WOMEN CAN ACCOMPLISHED. To the @philippine_air_force thank you so much for this recognition. Truly, I am blessed and it is an Honor to serve. And it is truly an honor of a lifetime to be in the @philippine_air_force”, ang naging saad ni Arci sa kanyang social media post.

Photo Credit: ramonathornes/Instagram

Agad namang bumuhos ang maraming pagbati para sa aktres.Ilang mga netizens din ang nagbigay komento na ‘proud’ sila sa nakamit ni Arci. “Congratulations pooooo, hope your’e doing best God bless.” “congratulations ate RC, I am so proud of you po. I love you po”
“Congratulations Idol, keep it up the good work, God bless”

Photo Credit: ramonathornes/Instagram




Tunay ngang isang karangalan na hindi matutumbasan ng kahit anong materyal na bagay p pera ang paglilingkod sa ating bayan. Pinatunayan din ni Arci na kahit sino ay maaring magbigay serbisyo sa ating bayan, basta nasa puso mo at nais mo ang pagbibigay serbisyo sa atin bayan ay maari mo itong gawin anoman ang estado mo sa buhay, babae ka man o lalaki.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *