Matapos ang isang buwan na training ng aktres na si Arci Muňoz, ay isa na itong ganap na reservist sergeant ng Philippine Air Force.
Noong ika-10 ng Disyembre 2020, ay ibinahagi ng 31-taong gulang na aktres, sa kanyang Instagram ang mga larawan na kuha sa relief operations na ginawa ng kanilang grupo sa Catanduanes, isa sa mga bayan na labis na nasalanta ng sunod-sunod na bagyo.

“From Subic to Villamor to Catanduanes, I joined my brothers and sisters in the force…”
“We had a successful humanitarian relief operation in Catanduanes as soon as we arrived.”
Ibinahagi rin ni Arci,

na ng magtungo ang kanilang grupo sa nasabing probinsiya, ay mababakas pa rin umano ang pinsala na labis na idinulot ng mga bagyo na sunod-sunod na dumaan sa ating bansa, noong nakaraang buwan ng Nobyembre 2020.

“We saw the reality of the poor conditions our kababayans continue to live through caused by aftermath of typhoon Ulysses and Rolly.”

“Like a bandid to a deep cut, we can provide temporary relief for their daily needs.”
“But what they need is permanent solutions like rebuilding sturdier homes and providing livelihood so they can start again.”

Makikita rin sa post ni Arci, ang kanyang patuloy na pag-asa na nawa ay mabigyan ng mas matibay na pamamahay at maayos na kabuhayan ang mga residente sa Catanduanes para ang mga kababayan natin roon ay makapagsimulang muli at magkaroon ng pag-asa ng pagbangon sa kanilang buhay.

Matatandaan na buwan ng Hunyo taong 2020 ng maisipan ng aktres na si Arci Muñoz na pumasok bilang reservist sa Philippine Air Force.

“Maligayang araw ng Kasarinlan, mahal kong Pilipinas.” “Ngayong araw din ang unang araw ng aking pisikal na pagsasanay bilang kauna-unahanag babae sa aking henerasyon at propesyon na sumasailalim sa #philippineairforce reservist BCMT – Basic Citizen Military Training.

View this post on Instagram
“Hinihikayat ko po ang aking mga kapwa kababaihan na mag-enlist.” “Marami pong salamat sa aking Philippine Air Force family. Asahan niyo po ang aking buong pusong dedikasyon at serbisyo. #happyindependenceday #paf #military #pilipinashukbonghimpapawid.