Arjo Atayde At Nobya Nitong Si Maine Mendoza Magkasama At Masayang Ipinagdiwang Ang Ika-30 Kaarawan Ng Aktor

Nito lamang ika-4 ng Nobyembre 2020, ay ipinagdiriwang ng aktor na si Arjo Atayde ang kanyang ika-30 taong gulang na kaarawan, kung saan ay labis ang kanyang naging kalagayan dahil maliban sa kasama niya ang kanyang pamilya, at naroroon rin at kasama niyang nagdiwang ang kanyang nobyang si Maine Mendoza.




Makikita nga sa larawan na kuha sa pagdiriwang ng ika-30 taong gulang na kaarawan ni Arjo, ang kanyang nobyang si Maine Mendoza, na tila parte na ng pamilya ni Arjo, ito nga ay dahil sa talaga namang welcome na welcome ang Kapuso actress sa pamilya ng aktor.

Photo Credit: arjoatayde/Instagram

Samantala, matatandaan nga na noong buwan ng Enero taong 2019, ng umamin sina Arjo at Maine sa publiko na silang dalawa ay “exclusively dating” na, kung saan pagkalipas ng siyam na buwan ay napatunayan na nga ng publiko, na silang dalawa ay magkarelasyon na, dahil sa ginawa nilang pagbati sa isa’t isa sa kanila umanong unang anibersaryo ng pagiging magkasintahan.

Photo Credit: arjoatayde/Instagram

Dahil nga sa naging pighati ni Arjo at Maine sa isa’t isa noong kanilang 1st anniversary, ay napag-alaman na ng publiko na ang relasyon ng dalawa ay nasa mahigit isang taon na.

Photo Credit: arjoatayde/Instagram

Sa naging panayam naman kay Arjo noong buwan ng Pebrero ng kasalukuyang taon, ay sinabi ng aktor, na nakikita na niya ang kanyang sarili, na ang nobya niyang si Maine Mendoza, ang makakasama niya hanggang sa kanyang pagtanda.

Photo Credit: arjoatayde/Instagram

Nang tanungin naman ang aktor, kung napag-uusapan na ba nila ng nobya ang pagpapakasal, ay agad itong sumagot ng; “Of course” “Obviuosly, I’m of age already. Nothing to hide. Yes, we got to talk about it, so I said nga this is my love story, this is me, this is it for me, and you know we just have commitments and we still have things to do.

Photo Credit: arjoatayde/Instagram




And being here with each other throughout the years we just grow stronger. Eventually we’ll get there”, dagdag pa nga ni Arjo. Ibinahagi pa nga ng aktor sa naging panayam sa kanya, na kung darating na yung araw na magpapakasal sila ng kanyang nobyang si Maine Mendoza, ay mas nais nila na maging pribado ang kanilang magiging kasal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *