Asawa Ni James Yap Hinahangaan Ang Taglay Na Kaseksihan Na Tila Hindi Nanganak

Si James Yap ay isa sa mga hinahangaan at kinakikiligan na basketbolista noon sa Philippine Basketball Association. Maliban kasi sa kanyang husay sa pagiging isang manlalaro ng basketball kung saan ilang beses na siya nakakuha ng tropiyo, ay mayroon din siyang taglay na kagwapuhan na tunay na kinakikiligan ng marami niyang mga tagahanga.




Matatandaan na mas nakilala si James ng marami ng ikasal siya noon sa sikat na TV host at aktres na si Kris Aquino nu’ng taong 2005, kung saan ang kanila ngang naging pagsasama ay nabibiyayaan ng isang anak na lalaki bago pa man sila naghiwalay, at ito nga ay si Bimby ang bunsong anak ni Kris Aquino.

Image Credit via Instagram

Noon ay naitanong pa ni Bimby sa kanyang ina, kung bakit nito pinakasalan si James Yap, at ito nga ang naging kasagutan ni Kris;m “I think I was at a place naman na I felt I wanted to be married. I was 34, and your dad was 11 years younger. I thought it could work. I honestly thought it could work not realizing he was too young. We really came from two very different worlds. But I wanted it to work.”

Image Credit via Instagram

Samantala, sa ngayon nga ay batid ng marami na ilang taon matapos ang hiwalayang Kris at James, ay muling umibig ang basketbolista, at ito nga ay sa katauhan ng partner niya ngayon sa buhay na si Michaella Cazzola, isang napakagandang Italyan. Si Michaella ay dating secretariat ng specialist ng Asian Development Bank. At nakilala niya ang basketbolistang si James Yap dahil sa kanyang mga kaibigan.

Image Credit via Instagram

Sa ngayon nga ay masaya ang estado ng relasyon ng dalawa, lalo na si James na itinuturing na isang biyaya sa kanyang buhay ang naging pagdating ni Michaella. Ang pagsasama nina Michaella at James ay nabiyayaan ng dalawang anak. Sa kabila naman ng naging pangananak ni Michella ay marami naman ang mga netizens ang humanga sa kanya, dahil kahit dalawang beses na ito nanganak ay agad nitong naibabalik ang taglay nitong kaseksihan at pagiging fit ng pangangatawan.

Image Credit via Instagram

Kamakailan lang naman ay ipinagdiwang ng bunsong anak ng dalawa ang ikatatlong kaarawan nito, ngunit hindi nakasama si James sa pagdiriwang dahil sa kasalukuyan ay narito siya sa Pilipinas samanatala nasa bansang Italya naman ang kanyang asawa at mga anak.




Nagpapasalamat naman si Michaella sa mga netizens na pumuri sa kanyang taglay na kaseksihan sa kabila ng pagiging isa na niyang mommy. Narito nga ang ilan sa mga komento ng mga netizens na humanga sa kaseksihan ni Michaella. “Hay grabe did you really give birth to 2 kids?” “Ang ganda! Looks like you are in your 20’s with no kids at all!”
“I admire you as a person not to mention how you exude class and sexiness considering your now a mother of two.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *