Aubrey Miles Nakapag-Pundar Ng Isang Bonggang Property Dahil Sa Mga Halaman

Marami sa atin ang noon pa man ay mahilig na sa paghahalaman, ngunit mas dumami ang taong nahilig sa paghahalaman ng magkaroon ng enhance community quarantine sa ating bansa, dahil sa pagkakaroon ng [email protected]@.




Hindi nga lamang basta mga ordinaryong tao ang nahilig sa halaman noong mag ECQ, dahil maging mga kilalang celebrity ay kinahiligan na rin ang pagtatanim at pangongolekta ng iba’t ibang uri ng bulaklak, kaya naman ilan sa kanila ay mga certified plantita na.

Photo Credit: milesaubrey/Instagram

Isa na nga sa mga celebrity na ito, na talagang nahilig na sa paghahalaman at isa ng certified plantita ay ang aktres na si Aubrey Miles.

Photo Credit: milesaubrey/Instagram

Samantala, ang pagiging isa niyang certified plantita ay hindi lamang kinahiligan ni Aubrey o ginawang pampalipas oras, dahil ito rin ay naging isa sa kanyang mga source of income, kaya naman dahil dito ay nakapagpundar siya ng isang bonggang property.

Photo Credit: milesaubrey/Instagram

Sa Instagram ni Aubrey, ay makikita ang pagbabahagi niya ng larawan nilang mag-asawa, na kinunan sa bago nilang property, na siyang naging bunga ng pagiging isa niyang plantita.
Kalakip nga ng larawan na ito, ay ang caption ni Aubrey Miles na;

Photo Credit: milesaubrey/Instagram

“Would you have believed parts of this investment ‘KATAS NG HALAMAN?’ Maraming nakaka relate dito.” “Samahan mo na din ng health and wellness”, dagdag pa ng aktres.

Photo Credit: milesaubrey/Instagram

Maliban pa nga sa pagbabahagi ng bagong property na naipundar niya, ay ibinahagi rin ni Aubrey Miles, ang tungkol sa pangangalaga niya sa kanyang mental health pati sa kanyang pamilya, ito ay sa gitna na patuloy na nararanasan natin na [email protected]@, at iba pa ngang mga kanegahan na nagkalat sa mundo.

Photo Credit: milesaubrey/Instagram

“Mental state this year. We only live forward. As long as you’ve got passion, faith and are willing to work hard.” “You can do anything you want in this life. Next year will be a better year for everyone.” “Let’s inspire each other and support one another. I believe anyone can do it. Go get it.

Photo Credit:milesaubrey/Instagram

Keep planting and stay healthy”, saad nga ni Aubrey. Matatandaan na dahil sa pagiging isang plantita ni Aubrey Miles, ay minsan na siyang nag-viral at talagang pinag-usapan online, ito ay noong bumili siya ng isang uri ng halaman na nagkakahalaga ng P300,000.




Ngunit, ilang mga ulat naman ang nagsabi, na nabawi rin naman ni Aubrey ang lahat ng mga nagastos niya sa pinambili niya ng kanyang mga halaman at ito ay dahil sa kanyang kasipagan sa pagtatanim at pagtitinda ng kanyang mga halaman.

Ilan pa nga sa mga kilala nating celebrity na certified plantita na rin ngayon ay sina Jinkee Pacquiao, Aubrey Miles, Kathryn Bernardo, at marami pa ngang iba.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *