Award Winning Actress Isa Na Ngayong Full-Pledge Na Madre

Maging ito man ay sa pinansyal, emosyonal o kaya’y personal na paglago, lahat tayo ay may kanya-kanyang panahon para lumago. Minsan marami sa atin ang naghihirap sa paghahanap ng ating mga sarili, panahon ang binibilang para mahanap ng tao ang kanyang sarili. Sa paghahanap ng sarili, dito mo malalaman at napagtanto ang mga gusto mo sa buhay at kung ano pang mga bagay na gumugulo sa isip mo.

Photo Credit: webnewshot/Facebook




Tila ito yata ang nangyari sa dating aktres na si Chin-Chin Gutierrez. Si Chin-Chin Gutierrez ay dating aktres na kilala sa kaniyang magagaling na pagganap sa kanyang mga karakter noong araw. Maliban pa rito, isa rin siyang environmentalist. Si Chin-Chin ay anak ng dating madre na si Cecilia Arnaldo at ng doktor na si Dr. Hermes Gutierrez na isang botanist.

Photo Credit: webnewshot/Facebook

Pero nitong nakaraan lamang ay gumawa ulit siya ng ingay sa social media nang maordinahan siya bilang isang ganap na madre. Inordinahan si “Sister Lourdes,” ang bagong tawag sa kanya, sa Carmelite Convent.

Photo Credit: webnewshot/Facebook

Pero bakit nga ba siya nag madre? Sa kanyang mga nakaraang panayam, ibinahagi ni Sister Lourdes kung paano siya na ingganyo magmadre. Sa kaniyang klase sa Philosophy, kinuwestyon nila ang katotohanan ng pagkakaroon ng Panginoon. Dito rin siya nagsimulang magkaroon ng ideya tungkol sa Panginoon kung saan tinanggap niya ang hamon. Kaya naman tinanggap niya ang hamon ng Panginoon ng buong buhay niya.

Photo Credit: webnewshot/Facebook

Maliban pa rito, marami ring mga dahilan kung bakit nag madre si Chin-Chin Gutierrez. Isa na rito ay ng masunog ang kanyang bahay noong 2006 sa Quezon City. Tatlong linggo matapos ang pagkasunog ng kanyang bahay, pumanaw na naman ang kanyang ina. Sunod-sunod ang nangyaring trahedya kay Chin-Chin.

Photo Credit: webnewshot/Facebook

Ito na rin siguro ang kanyang itinuturing na “calling” ng Panginoon para pumasok siya sa kumbento. At nitong nakaraang araw nga lamang, ang dating Chin-Chin Gutierrez ay isa nang ganap na Sister Lourdes, isang madre.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *