Awra Briguela Inspirasyon Sa Marami Matapos Niyang Mapagtapos Sa Kolehiyo Ang Kanyang Ama

Hinangaan at isang ispirasyon para sa maraming kabataan ang child star na si McNeal Awra Briguela o mas kilala ng publiko bilang si Awra Briguela, hindi lang dahil sa kanyang pagiging isat na artista sa kabila ng kanyang batang edad, kundi mas lalo na sa pagiging isang mapagmahal at matulungin niyang anak sa kanyang mga magulang.




Sa kanyang social media account, ay masayang ibinahagi ng batang artista ang naging matagumpay na pagtatapos ng kanyang ama na si Oneal Briguela sa kolehiyo. Kung saan ayon nga kay Awra, ay talagang proud na proud siya sa kanyang ama, dahil sa naging determinasyon nito na makatapos, lalo pa’t suportado niya ito at ng kanilang buong pamilya.

Image Credit via Google

Makikita nga sa IG account ni Awra ang mga ibinahagi niyang larawan na kuha sa naging pagtatapos ng kanyang ama sa kolehiyo, kung saan ay nilakipan niya ito ng kanyang mensahe kung gaano nga siya ka-proud sa kanyang ama.

Image Credit via Google

“Congrats Papa! So proud of you!! Sabi nga nila it’s better than late, than never.”
“Kaming lahat ng mga anak mo, sobrang saludo sayo! Kasi pinakita mo samen kung gaano kahalaga ang pag-aaral! I love you Papa!!!! Congrats ulet!”, ang aging saad nga ni Awra.

Image Credit via Google

Samantala, sa IG page naman ng kaibigan ni Awra na si Ogie Diaz, na kilala rin ng publiko bilang beteranong comedian-actor, ay ibinahagi nito ang larawan ng child star at ama nito na nagtapos nga sa kolehiyo. Nilakipan ito ni Ogie ng caption na nagpapahayag ng kanyang congratulatory message para sa batang artista, dahil sa ginawa nitong pagtulong sa ama upang matupad ang pangarap nito na makatapos ng pag-aaral sa kolehiyo.

Image Credit via Google

“Karaniwan ng kuwento na ang mga magulang ay nakapagtapos ng anak sa kolehiyo. Sa larawang ito, gusto kong batiin si Awra (ng Ang Probinsiyano), dahil sa nakapagtapos niya ang kanyang ama sa kolehiyo”, pagbabahagi ni Ogie Diaz. Dagdag pa ni Ogie,”Congrats, Awra!!! At ipagpatuloy mo ang kabutihan mo bilang isang anak. Isa kang inspirasyon.”

Matatandaan na noong taong 2017, ay ibinahagi ni Oneal Briguerra (ama ni Awra), na ang kanyang anak na si Awra ang siyang sumusuporta sa pag-aaral niya sa kolehiyo, hanggang sa siya nga ay makapagtapos. “Parang siya na po ang nagpapa-aral sa akin. Baliktad na”, ang naging saad nga ng ama ng child star.




Mas nakilala ng publiko si Awra Briguela ng mapabilang siya sa Kapamilya Primetime series na “FPJ, Ang Probinsiyano”, kung saan ay ginampanan niya ang karakter na “Makmak.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *