Ayon Sa Mga Eksperto Ang Pag-utot Sa Harap Ng Iyong Asawa At Kasintahan Ay Nakakatulong Upang Mas Mapatibay Pa Ang Inyong Relasyon

Marahil marami sa atin ang nahihiyang umutot sa harap ng ibang tao o kahit na sa harap ng kasintahan o asawa nila. Pero hindi niyo ba alam na ang pag-utot sa harap ng iyong asawa o kasintahan ay isang magandang senyales na mas maaari pang tumibay ang inyong relasyon? Dahil sa mabahong amoy at hindi kanais nais na tunog ng hangin na lumalabas sa puwet kaya naman marami ang nagpipigil sa paglabas nito at hindi nila alam na masama ang pagpipigil ng utot.


Image courtesy from google




Ang pag-utot ay maraming benepisyong naibigay sa ating katawan at ang normal na pag-utot ay makakatulong upang mapanatili ang malusog na katawan at inaalis ang mga nag-ipong hangin na nagiging dahilan ng iba pang sakit. Bukod pa dito nakakatulong rin ito sa pagpapatibay ng relasyon ng dalawang tao.

May mga paliwanag ang ilang eksperto kung bakit mahalaga ang pag-utot lalo na sa mga kababaihan. Narito at iisa-isahin naming sa inyo ang mga dahilan upang maintindihan niyo kung bakit mahalaga ang gawaing ito.

Bakit Mahalaga Ang Pag-utot?

Natatanging Relasyon

Kapag ang iyong kapareha ay hindi nahihiya umutot sa iyong harapan isang magandang senyales ito na kumportable at panatag na ang kalooban niya sayo at alam niya na kahit pa maglabas siya ng mabahong hangin sa kanyang katawan ay matatanggap mo parin siya. Ang gawaing ito ay makakatulong upang mas lalong maging tapat at eksklusibo ang inyong relasyon.

Nakakadagdag ng Kasiyahan

Ang pag-utot sa harap ng iba ay kinokonsidera na biro ng iba. Kaya naman ang nakakadagdag ito ng sense of humor ng isang tao at ang inyong relasyon ay hindi magiging boring.

Walang Sikreto

Ang pag-utot sa harap ng iyong kasintahan o asawa ay katumbas ng pagiging tapat. Kung sa simpleng pagpapakita nito sa iyo ng walang alinlangan ibig sabihin nito ay kaya niya ring maging tapat at sincere sa inyong relasyon.

Feeling Free

Ang pag-utot sa harap ng iyong minamahal ay nakakadagdag ng tiwala sa pagitan niyong dalawa. Isang magandang paraan ito upang iparamdam sa iyong kapareha na Malaya niyang naipapakita ang kahit anong pakiramdam niya sa iyo ng walang tinatago. Sa ganitong paraan mas titibay ang inyong relasyon. Kaya naman maging open sa iyong kapareha at huwag mahihiya.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *