Babaeng Anak Ng Dating PBA Player Na Si Aries Dimaunahan Isa Naring Basketball Player

Sa ating kasalukuyang panahon ngayon, ay marami ang naggagandahang artista, mga sikat na personalidad na kababaihan na talagang hinahangaan dahil sa taglay na ganda at talento.

Photo Credit: christianadimaunahan/Instagram




Isa sa mga hinahangaan ngayon at sinusubaybayan sa Instagram ay si Christiana Gabrielle Dimaunahan, isa sa mga anak ng dating Professional PBA player na si Aries Dimaunahan o Aristeo Dimaunahan sa tunay niyang pangalan na ngayon ay kasalukuyan ng coach ng Blackwater Elite sa PBA.

Photo Credit: christianadimaunahan/Instagram

Sa kanyang Instagram account ay makikita ang mga larawan ni Christiana, kung saan marami ang namangha sa taglay niyang ganda. Mas lalo pang hinangaan ang naturang dalaga dahil sa mga angkin niyang talento.

Photo Credit: christianadimaunahan/Instagram

Isa sa kanyang mga talent ay ang galing niya sa pagsusulat ng poetry, aspiring artist din ang dalaga na kung saan ay pangarap niya ang maging isang sikat na manunulat at maaari nga naman itong maging possible dahil siya ay may angking talino at galing dito.

Photo Credit: christianadimaunahan/Instagram

Maliban sa mga nasabing talento ng dalaga ay isa rin pala siyang “Hoop Destroyer”, na kung saan siya ay manlalaro ng Growling Tigresses ang team ng UST. Marami nga naman ang talagang humanga sa angking talento ng dalaga at mas lalong dumami ang kanyang mga tagahanga ng malaman ng mga ito ang galing niya sa paglalaro ng basketball.

Photo Credit: christianadimaunahan/Instagram

Hindi nga lang sa poetry o sa paglalaro ng basketball mahusay ang dalaga, dahil magaling din siya sa loob ng kanilang klase. Sa kasalukuyan ay nag-aaral si Christiana sa Unibersidad ng Santo Tomas at kumukuha ng kursong Accountancy dahil pangarap ng dalaga na maging isang CPA-Lawyer pag siya ay nakapagtapos na.

Photo Credit: christianadimaunahan/Instagram

Si Christiana Gabriella ay anak ni Aries Dimaunahan sa kanyang asawang si Jane Saleta na dating child star. Iniwan ni Jane ang mundo ng showbiz ng siya ay labing-walong taong gulang pa lamang upang mamuhay ng tahimik at simple kasama ang kanyang asawang si Aries.

Ngayon nga ay may dalawang anak na si Aries at Jane, eto nga ay si Christiana at ang kapatid nitong si Chanel. Ayon naman kay Jane, tatlo dapat na magkakapatid ang kanyang mga anak, ngunit apat na araw pa lamang mula ng isilang ang kanyang anak na si Aristeirre Jared ay binawian ito ng buhay dahil sa isang congenital disease.

Photo Credit: christianadimaunahan/Instagram

Si Christiana naman daw ay ipinanganak ng kulang sa buwan, dahil siya ay isinilang habang siya ay nasa ika-33 buwan pa lamang ng pagbubuntis ng kanyang ina. Halos apat na taon na naman bago siya nasundan at magkaroon ng kapatid at ito nga ay si Chanel.

Ngayon ay labing-walong taon na si Christiana at si labing-apat na taon na naman si Chanel, na parehong nagtataglay ng angking ganda.

Photo Credit: christianadimaunahan/Instagram

Ikinuwento din ni Jane na kahit malaki na ang kanyang dalawang anak na babae, ay siya pa rin ang nag-aasikaso ng mga damit na sinusuot ng mga ito, hilig din nila ang mamasyal na mag-iina katulad ng pagpunta sa salon o ang mamasyal at mag-ikot sa mall kung saan ito ang kanilang bonding.




Swerte nga naman sina Aries at Jane sa kanyang dalawang anak, dahil sa pareho itong may angking ganda, ay pareho ding mga “Academic Achievers” ang mga ito sa kanilang pag-aaral simula pa lamang noong sila ay nasa preparatory level.

Photo Credit: christianadimaunahan/Instagram

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *