Baby Amari Naka Pagbigkas Na Ng Salitang ‘Mommy’ Sa Unang Pagkakataon

Nais ng bawat magulang na masubaybayan at maalalayan ang paglaki ng kanilang anak, dahil tunay nga naman na iba ang kasiyahan na dulot sa isang ama o ina kapag nasaksihan niya ang iba’t ibang mga bagay na natutunan ng kanyang anak.




At isa nga ang celebrity mom na si Coleen Garcia sa mga momshy na talaga namang ‘very hands-on’ sa kanilang anak ng kanyang asawang si Billy Crawford na si Baby Amari.

Photo Credit: coleen/Instagram

Bawat progress at milestone nga ng pagiging isang sanggol ni Baby Amari ay nagbibigay kasiyahan sa mga magulang nitong si Coleen at Billy, ngunit ang pinakanagbigay kilig at saya nga kay Coleen, ay ang naging unang pagbigkas ng kanyang anak na salitang ‘Mommy’ ng tawagin siya nito.

Photo Credit: coleen/Instagram

Sa bagong post nga ni Coleen sa kanyang Instagram ay kanyang ipinakita ang naging paunti-unti ng pagsasalita ni Baby Amari ng salitang ‘Mommy’. At sa progress nga na ito ng kanilang anak ay talaga namang very proud ang mag-asawang Coleen at Billy dahil sa isa nga ito sa hindi nila makakalimutang parte sa pagkakaroon nila ng anak.

Photo Credit: coleen/Instagram

“He just called me MOMMY for the first time yesterday as he reaching out for me.”, ang naging caption ni Coleen sa kanyang Instagram post. Maliban pa dito ay may iba pang makikitang post ng aktres patungkol kay Baby Amari, kagaya na lamag ng pagtubo na ng ngipin nito at ang kakulitan nito na halos libutin na nga ang kanilang buong bahay.

Photo Credit: coleen/Instagram

Dagdag pa nga na caption ni Coleen sa kanyang post, “I haven’t been updating regularly because so much has been going on here at home with this little one! Though I do still try to p0st stories as much as I can.”

“The teething period has been one of the heardest so far because it sucks to see him in pain and having a hard time. But just like that, he now has four teeth, is crawling all over the house (which btw is turning into a giant playroom), and looks around for me (+cries) whenever I leave the room even for bit. NGL, it’s challenging, but it’s also the best feeling ever.”

Ayon pa kay momshy Coolen sinusulit niya ang pagiging isang sanggol ni Baby Amari, dahil sadya nga namang napakabilis ng paglipas ng panahon.




“Especially whenever he smiles at me in the middle of playing, as though he wants to share the fun with me. I melt. Time waits for no one, so I am savoring this times cause I am livinggg for this season!”

Samantala, mapapansin naman na sa loob ng tahanan nina Coleen at Billy kung saan namamalagi si Baby Amari ay walang masyadong mga kagamitan o furtitures, ito nga ay para umano maiwasan ang aksidente at masigurado nila ang ‘safety’ ng kanilang anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *