Baby Boy Ni Ryza Cenon Kinagigiliwan Ng Mga Netizens Dahil Sa Mga Nakakaaliw Na Larawan

Nakaka-aliw nga naman ang isang sanggol, lalo na kung ipinamalas nila ang kanilang taglay na kakyutan kapag sila’y ngumingiti o humahagikgik. Kadalasan ang sinasabi ng mga magulang na, ang pagod nila sa maghapong trabaho ay nawawala, kapag nasisilayan nila ang ngiti ng kanilang cute baby.




Isa sa mga bagong celebrity mommy ngayon, ang talaga namang enjoy na enjoy na sa pag-aalaga ng kanyang anak, ito ay sa kabila ng puyat at pagod na kanyang nararanasan, ito ay dahil nawawala naman lahat ng ito kapag nakikita na niya ang ngiti ay kakyutan ng kanyang baby.

Photo Credit: iamryzacenon/Instagram

Nito nga lamang nakaraan, ay ibinahagi ng celebrity mommy na ngayon na si Ryza Cenon ang mga kyut at nakakaaliw ng larawan ng kanyang baby boy, kung saan ay sinabi niya na, “Big boy na ang baby namin.”

Photo Credit: iamryzacenon/Instagram

Makikita nga sa larawang ibinagi ng aktres ang napaka-kyut na kanyang baby, at mula nga sa isang bagong silang na sanggol, ay mas malaki na ito ngayon, at mas aktibo dahil sa marunong na rin itong magpa-kyut.

Photo Credit: iamryzacenon/Instagram

Tila hindi na lamang si mommy Ryza ang salik at mabibigyang kasiyahan ng kanyang baby, dahil maging ang mga kaibigan niya sa showbiz, at mga netizens na nakakita ng mga larawan nito, ay naaliw rin sa kakyutan nito. Nagbigay pa nga ng mga positibong komento ang iba, na makikita nga sa Instagram post ng aktres.

Photo Credit: iamryzacenon/Instagram

Matatandaan na noong nakaraang taon ng buwan ng Hulyo ng isiniwalat ni Ryza Cenon sa publiko na magkakaroon na sila ng supling ng kanyang boyfriend na si Miguel Antonio Cruz. At mula nga ng naisapubliko na niya ito, ay naging kaabang-abang naman sa kanyang mga tagahanga ang magiging pagsilang nito.

Photo Credit: iamryzacenon/Instagram

Nagkaroon pa nga siya noon ng maternity photo shoot na talaga namang pinuri ng marami, dahil sa kabila ng kanyang umuumbok ng tiyan ay napaka-hot niya pa rin.

Photo Credit: iamryzacenon/Instagram

Sinalubong naman ng magkasintahang Ryza Cenon at Miguel Antonio Cruz ang kanilang baby noong buwan ng Oktubre noong nakaraang taon, kung saan ito nga ay isang malusog at napaka-kyut na sanggol na lalaki na binigyan niya ng pangalan na ‘Night.’




Nito nga lamang taong 2021, ay agad ring bininyagan ng mag-partner si baby Night. At karamihan ng sa mga naging ninong at ninang nito ay mga malalapit na kaibigan ni Ryza sa showbiz. Intimate baptism lang ang naganap, kaya ang ibang mga ninong at ninang ni baby Night ay dumalo sa okasyon sa pamamagitan ng Zoom app.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *