Si Philmar ay kilala bilang champion surfer sa Pilipinas, samantala si Andi naman ay nakahiligan din ang ppagsi-surf mula nga ng bisitahin niya ang Siargao at doon na manirahan. Tila nga talagang namana ng mga anak nina Andi Eigenman at Philmar Alipayo ang pagkahilig nilang mag-partner sa surfing, dahil ang kanila ngang mga anak kahit mga bata pa lamang ay kakikitaan na rin ng angking galing pagdating sa pagsi-surf.
Matatandaan na ang unang tinuruan sa pagsi-surf ni Philmar ay ang panganay na anak nila ni Andi na si Lilo, kaya naman maging ang bunsong anak nila ngayon na si Koa ay tinuruan din niya. Sa edad na 1-taong gulang ni Koa ay agad nga siyang natutong mag-surf kaya naman maliban sa taglay niyang cuteness ay isa pa ito sa mga talagang hinangaan sa kanya ng mga netizens.

Kamakailan nga lamang ay ibinahagi ni Andi Eigenman [ina ni Koa] sa kanyang Instagram ang naging pagsi-surf ng isang taong gulang niyang anak, habang ito nga ay ginagabayan ng ama nitong sii Philmar.

“If skating was what motivate him to start walking, I guess it’s surfing that’s sure has been motivating him to swim so bravely and well!”, ani Andi sa kanyang IG post. Sa nasabing post ay makikita nga ang larawan ni Koa na ilang beses na sinubukan na magbalanse sa surfing board hanggang sa matagumpay nga siyang makatayo at mabalanse ang kanyang sarili.

Tunay naman na kahanga-hanga ang nagawa na ito ni Koa lalo na’t siya nga ay isang taong gulang pa lamang. Bagama’t nakakakaba ngang panoorin na ang isang taong gulang na bata na si Koa ay gumagawa na ng ganitong aktibidad ay makikita naman na siya ay inaalalayan ng kanyang mga magulang at sinisigurado ang kanyang kaligtasan.

ANg pagppapakitang gilas naman na ito ni Koa pagdating sa pagsi-surf sa murang edad, ay tila pagpapakita nga ng agarang interes niya sa surfing na parang nagpapahayag na may posibilidad na siya ang sumunod sa yapak ng kanyang ama na isa ngang mahusay na surfer.
Sina Andi Eigenman at Philmar ALipayo kasama ang kanilang mga anak ay naninirahan nga sa isla ng Siargao, kung saan ang kanilang tahanan ay malapit sa dagat kaya naman isa nga sa madalas na bonding nila magpamilya ay ang mag-surfing. Ayon nga kay Andi, upang matutunan ng kanyang mga anak ang mga bagay-bagay ay hinahayaan nila na gawin ang mga nais ng mga ito, at sila naman bilang mga magulang ay handa namang suportahan at gabayan ang kanilang mga anak.