Badjao Girl Malaki Ang Naging Pasasalamat Sa Naging Pagbabago Sa Buhay Nila Simula Nakuhanan Siya Ng Larawan

Naaalala niyo pa ba ang isang badjao na magandang babaeng nakunan noon ng larawan habang namamalimos sa Hiyas Festival City sa Quezon? Dahil sa kanyang larawan, kung saan ay ipinakita nito ang natural at kakaiba na ganda na kanyang taglay, ay naging trending ito sa social media, at tinawag na nga siya ng marami bilang si “Badjao Girl.”



Ang “Badjao Girl”, nga na ito ay si Rita Gaviola, isang dalagang badjao, na lumaki sa hirap ng buhay, kaya naman ginagawang mamalimos upang makatulong sa pamilya.
Photo Credit: itsritagaviola/Instagram
Ayon kay Rita, hindi niya lubos maisip, na dahil lamang sa isang “candid shot” na larawan niya, ay magbabago ang takbo ng buhay niya at ng kanyang pamilya.
Photo Credit: itsritagaviola/Instagram
Mula nga sa mahirap na buhay, kung saan ay talaga ngang masasabing hikahos sila noon dahil halos isang beses isang araw lang silang limang magkakapatid nakakain ng maayos, ngayon nga ay nagbago na ito at mas naging maayos na.
Photo Credit: itsritagaviola/Instagram
Dahil sa naging popular si Rita sa social media at sa PBB, ay malaki ang nabago sa kanilang pamumuhay.
Photo Credit: itsritagaviola/Instagram
Ngayon, ay hindi na kailangan pang mamalimos ng dalaga upang may maipakain sa kanyang mga kapatid. Nakakain na umano sila ng tatlong beses sa isang araw, at pinaayos na rin nila ang kanilang tahanan.
Photo Credit: itsritagaviola/Instagram
Maliban nga sa naging pag-aayos ng kanilang tahanan, ay natupad na rin ang pangarap ni Rita na makapasok sa eskwela.
Photo Credit: itsritagaviola/Instagram
Sa ngayon nga ay isang eskolar si Rita, kung saan ayon sa kanya ay matagal na niyang pangarap ang makapag-aral dahil sa nais niyang makapagtapos ng pag-aaral upang mas mabigyan pa ng maayos na buhay ang kanyang pamilya.
Photo Credit: itsritagaviola/Instagram
Ayon naman sa ilang mga ulat, ay marami ang nag-aalok sa dalaga na maging modelo, ngunit mas nais muna umano nito ang magpokus sa kanyang pag-aaral, dahil talagang nais niyang makapagtapos at matupad ang pangarap niya na maging isang guro balang araw.
Photo Credit: itsritagaviola/Instagram
Malaki nga ang naging pasasamat ni Rita, sa lahat ng mga taong naging daan upang matupad niya ang ilan sa kanyang mga pangarap.



Katulad na lamang ng naging katuparan ng pangarap niya na magkaroon silang pamilya ng maayos na tirahan, kung saan ay may palikuran, dahil non umano ay talagang mahirap sila dahil walang palikuran ang kanilang tahanan.
Tunay nga naman, na marami pa rin ang mga taong matulungin sa kanilang kapwa, katulad na lamang nga ng mga butihing puso na tumulong sa dalagang si Rita Aviola.
Marami naman sa mga tagahanga ni Rita, ang hiling ay matupad nawa ng dalaga ang kanyang pangarap na maging isang guro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *