Bagong Baby Ni Meryll Soriano Ipinakilala Na Niya Sa Kanyang Amang Si Willie Revillame

Pagbungad pa lamang ng taong 2021, ay labis ng kasiyahan ang hatid ni Meryll Soriano, sa kanyang amang si Willie Revillame, matapos ipakilala at ipakita ng 38-taong gulang na aktres sa kanyang ama, ang kanyang bagong baby, in-other terms bagong apo nito.




Nito nga lamang ika-2 ng Enero 2021, makikita ang naging pagbabahagi ni Merry sa kanyang Instagram account ng ilang mga larawan, kung saan ay makikita na karga-karga niya ang kanyang bagong silang na sanggol, habang kasama ang kanyang amang si Willie.

Photo Credit: planetumeboshi/Instagram

Sa larawang ito, ay makikita ang labis na kasiyahan ng Wowowin Tv host, na makita at masilayan ang kanyang bagong apo.

Photo Credit: planetumeboshi/Instagram

Samantala, sa naging pagbabahagi ni Meryll ng pagkakaroon niya ng bagong baby, ay madami ang nagtatanong kung sino ang ama ng bagong supling ng aktres.
Ayon sa ulat, ang ama ng bagong sanggol ni Meryll ay ang kanyang dating nobyo na si Joem Bascon.

Photo Credit: planetumeboshi/Instagram

Nito nga lamang din pagsapit ng mismong unang araw ng Bagong Taon, ibinahagi ni Meryll sa kanyang Instagram ang naging pagbabalikan nila ng 34-taong gulang na si Joem, ang dati niyang nobyo.

Photo Credit: planetumeboshi/Instagram

Naudlot man ang dati nilang relasyon, ay hindi inakala ni Meryll na magbubunga pa ito, ng isang malusog na sanggol. Wala namang anumang detalye pang sinasabi si Meryll kung ano ang kasarian ng kanyang bagong silang na sanggol at kung kailan ang eksaktong petsa na isinilang niya ito.

Photo Credit: planetumeboshi/Instagram

Kalakip naman ng larawan na ibinahagi ni Meryll, ay ang caption niya na; “2021!, May this year be kinder to us all. May we all find peace, joy and love. New year, new hopes new positive outcomes.

Happy New Year from our family to yours.” Matatandaan na si Joem ay naging karelasyon ni Crisia Uy ng halos 8-taon. Kumalat ang balitang hiwalay na ang dalawa noong buwan ng Nobyembre taong 2019.




Matapos ang hiwalayan ng dalawa, ay kasunod naman ang naging maingay na balita na muling nagkakamabutihan sina Meryll at Joem, ngunit ito ay hindi agad kinumpirma ng dalawa.

Sina Meryll at Joem, ay unang nagkatrabaho sa ABS-CBN primetime series na I Love Betty La Fea, na umere sa telebisyon noong 2008 hanggang 2009.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *