Bagong Haircut Ni Yam Concepcion Ikinamangha Ng Kanyang Mga Tagahanga

Si Yam Concepcion ay isa sa mga mahuhusay na aktres ng ating henerasyon ngayon. Ang kanyang husay sa pag-arte ay mas hinangaan ng mapabilang siya bilang isang [email protected] sa serye ng ABS-CBN noon na “Halik” kung saan ay nakasama niya ang aktres na si Yen Santos at aktor na si Jericho Rosales.




Maliban sa pagiging isang mahusay na aktres sa showbiz, ay isa rin siya sa mga female celebrity na talaga namang pinapantasya ang taglay na kagandahan, na binagayan pa nga ng kanyang mahabang buhok noon.

Photo Credit: yamconcepcion/Instagram

At sa latest IG post nga ni Yam nito lamang nakaraan, ay ginulat at pinamangha niya ang marami, dahil sa mas lalo pang lumitaw ang kanyang angking kagandahan ng ipakita niya sa publiko ang kanyang new haircut.

Photo Credit: yamconcepcion/Instagram

Sa new IG post ni Yam ay makikita ang naging pagbabahagi niya ng kanyang larawan, kung saan siya’y naka-full bangs na talagang bagay na bagay sa hugis ng kanyang mukha, na mas lalo pa ngang nagpaganda sa kanya.

Photo Credit: yamconcepcion/Instagram

“GOT BORED CvT MY HAIR GAVE ME SOME BANGS.jpeg”, caption ng naturang larawan.
Dahil nga sa bagong new look ni Yam, ay pati kanyang mga katrabaho at kasamahan sa showbiz ay pinuri rin ang paglitaw pa lalo ng kanyang kagandahan, dahil sa talagang bumagay sa kanya ang kanyang short hair.

Photo Credit: yamconcepcion/Instagram

“Ganda”, angn naging papering pahayag ng aktres na si Angelica Panganiban.
“Kyoot”, komento naman ni Glaiza de Castro. “I love it”, ang naging sey naman ni Katarina Rodriguez. Heart eyes emojis naman ang makikitang naging komento ng aktres na sina Iza Calzado at Chie Felomino, na pareho ngang na-amaze sa new look ni Yam.

Photo Credit: yamconcepcion/Instagram

Sa ngayon ay abala ang aktres na si Yam Concepcion sa bagong serye niya sa Kapamilya network. Kung saan ay muli niyang paiinitin ang mga manonood sa kanyang nakaka-akit na pag-ganap. At ang serye ngang ito ay pinamagatang ‘Init sa Magdamag’, kung saan ay makakasama niya ang dalawa sa mga gwapong aktor sa showbiz, na sina JM De Guzman at Gerald Anderson.




Ang nasabing serye ay kuwento ng isang congresswoman, at sa relasyon niya sa kanyang aspiring-politician na asawa at dating karelasyon na isa naman community doctor. Ito ay sa direksyon ni Raymond Ocampo, at mapapanood na nga sa Primetime Bida ng Kapamilya simula sa ika-9 ng Abril.

Ang nasabing serye ay kuwento ng isang congresswoman, at sa relasyon niya sa kanyang aspiring-politician na asawa at dating karelasyon na isa naman community doctor. Ito ay sa direksyon ni Raymond Ocampo, at mapapanood na nga sa Primetime Bida ng Kapamilya simula sa ika-9 ng Abril.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *