Bagong Hairstyle Ng K-Pop Artist Na Si Sandara Park Napahanga Ang Mga Netizens

Muling naging agaw-pansin sa social media nito lamang nakaraan ang K-Popstar na si Sandara Park. Ito nga ay matapos niyang ibahagi sa kanyang social media account ang kanyang ‘new look’ dahil sa kanyang bagong hairstyle na talaga namang bumagay sa kanya.




Makikita ang larawan ni Sandara na may kalakip na ‘heart emoji’, kung saan ay marami ang napa-wow dahil sa naging agaw-pansin ang kanyang hair color na mas nagbigay tingkad pa nga sa kanyang angking ganda.

Photo Credit: daraxxi/Instagram

Maliban pa sa bagong hair color, at pina-haircut din ni Sandara ang kanyang buhok, kung saan ito nga ay kanyang pina-iksihan na bumagay naman sa hugis ng kanyang mukha.
Dahil sa napakaganda at bumagay talaga sa kanya ang new hairstyle niya ay nagustuhan ito ng marami niyang mga tagahanga, kaya naman bumuhos sa komento ang mga papuri mula sa mga ito.

Photo Credit: daraxxi/Instagram

“Your new hairstyle is amazing” “Red looks good on you.”
“The girl is on fireeee”, ang ilan nga lamang sa mga mababasang komento ng mga fans ni Sandara.

Dahil minsan na rin namang naging aktres si Sandara sa Pilipinas, ay mayroon din siyang mga tagahanga na mga Pinoy na nagbigay reaksyon at komento rin sa kanyang bagong look at hairstyle ngayon.

Photo Credit: daraxxi/Instagram

Sa kasalukuyan si Sandara Park ay host sa MBC’s Video Star, maliban pa dito ay bahagi din siya ng Celebeauty Season 3 ng KBS joy, at ng mentor-judge din siya sa JTBC’s Stage K.

Photo Credit: daraxxi/Instagram

Matatandaan na si Sandara Park ay namalagi noon dito sa Pilipinas, nang siya ang maging isa sa mga kalahok ng talent search show ng ABS-CBN noon na StarCircle noong taong 2004, kung saan siya nga ay itinanghal na 2nd runner up.




Magmula noon ay ilang mga pelikula at shows din ang kanyang nagawa sa indusriya ng showbiz ss ating bansa, na naging daan upang mas makilala at sumikat pa siya bilang isang aktres.

Hindi naman nagtagal ay nagdesisyon siya na magbalik sa kanyang bansa sa South Korea, at doon nga ay nag-umpisa rin ng kanyang karera. Sumikat siya sa nasabing bansa ng siya ay mapabilang sa 2NE1, isa sa mga sikat at popular na K-Pop group noon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *