Ang pag-iisang dibdib o pagpapakasal ay isa sa mga pinaka espesyal na pangyayari sa buhay ng dalawang taong nagmamahalan. Ito kasi ang araw kung saan sila ay magiging iisa, at manunumpa ng kanilang tapat na pagmamahal sa isa’t isa sa hirap man o ginahawa sa harap ng Diyos sa pamamagitan ng sagradong seremonya.
Sa panahon ngayon, ay talaga namang napakarami ng mga nauusong pakulo bago ang kasal o sa mismong araw nga ng okasyong ito, karamihan nga sa mga ito ay nakikita nating nagba-viral sa social media, lalo na nga ang mga nagpapakasal na sa kabila ng pagiging praktilal nila sa mga kaganapan sa kanilang kasal ay nagagawa pa rin naman nila itong memorable at espesyal.

Halimbawa na lamang nga nito ay ang Bagong Kasal na kamakailan lamang ay nag-viral sa social media. Ito ay matapos ngang ibahagi ng netizens na si Znc Aragon sa kanyang Facebook account ang isang maikling video kung saan ay makikita ang groom at bride na imbis na sa isang bridal car nakasakay sa araw ng kanilang kasal ay magkasabay ngang nagbibisekleta patungong venue ang mga ito habang nakasuot ng kanilang wedding gown at suit.

Kaagad ngang hinahangaan sa social media ang bride at groom, dahil sa kabila nga ng init sa kalsada ay magkasama nila itong binaybay ng nakabisekleta hanggang sa sila ay makarating sa pag-gaganapan ng kanilang pag-iisang dibdib.

Hindi man nakasakay sa magarang sasakyan o bridal car ang groom at bride sa espesyal na araw nila, ay itinuturing naman nila itong isang magandang experience para sa kanila, sapagkat dito pa lamang ay napatunayan na nila sa isa’t isa na sa hirap man ng tatahakin nilang paglalakbay patungo sa lugar na kanilang paroroonan ay magakasama nga nila itong tatahakin.

Nakuha naman ng couple ang atensyon ng maraming tao, lalo na ang mga taong kanilang nakasabayan sa daan. Maliban pa dito, ay agad ring nag-viral ang kanilang video sa social media, kung saan ay nagkaroon na nga ito ng higit kumulang na 300K views sa Facebook. Lumabas din sa iba’t ibang mga naglalakihang Facebook page ang kanilang viral video story na ito.
Hindi lamang nga naging espesyal sa couple ang araw ng kanilang kasal, dahil naging memorable din ito para sa kanila, sapagkat maliban nga sa nakatipid na sila dahil sa kanilang pagiging praktikal ay nag-viral pa sila at nagsilbi pang inspirasyon para sa lahat ng mga couple na gustong magpakasal kahit na simple lamang.