Bagong Tanghal Na Binibining Cebu Na Si Beatrice Luigi Gomez Buong Tapang Na Ipinagmamalaki Ang Kanyang Girlfriend

Hindi na nga naman bago sa ating mga Pilipino ang nakasalamuha ng mga kababayan natin na member ng LGBT (lesbian, gay, bisexual, transgender) community, dahil marami sa mga sikat na personalidad sa ating lipunan ay miyembro ng nasabing organisasyon o di kaya ay tanggap ang bawat miyembro ng nasabing organisasyon.

Photo Credit: bealuigigomez/Instagram




Sa ginanap na patimpalak na Binibining Cebu 2020 ay muling pinatunayan ng isa sa mga kalahok na kahit ikaw ay nabibilang sa LGBT ay dapat mo itong ipagmalaki at dahil sa kanyang pagkatao ay itinanim siyang Binibining Cebu 2020.

Photo Credit: bealuigigomez/Instagram

Si Beatrice Luigi Gomez ang bagong itinanghal na Binibining Cebu 2020 ay proud na inamin na siya ay miyembro ng LGBT community. Sa naganap na question and answer portion ng nasabing patimpalak noong Lunes ng gabi ng January 13 sa Waterfront Cebu City Hotel and Casino inamin ng dalagang beauty queen na nagmula sa San Fernando na siya ay may kasintahang babae.

Photo Credit: bealuigigomez/Instagram

Sa naging katanungan sa kanya na kung ano ang nagpapaganda sa kanya ay buong tapang na sinagot nito at ipinagmamalaki na ang kanyang pagiging totoo sa kanyang sarili ang bagay na nagpapaganda sa kanya.

Photo Credit: bealuigigomez/Instagram

Ito ang naging kasagutan ni Beatrice sa katanungan sa kanya sa Q & A question;
“i guess what makes me beautiful is my bravery and being true to myself.“To tell you guys honestly, i have a girlfriend, i have tattoos, and I’m very proud of my imperfections.
“And I guess that what makes me beautiful.”

Photo Credit: bealuigigomez/Instagram

Ang kanyang naging pag-amin nga sa naturang patimpalak ay talagang hinangaan sa kanya, kaya ito rin ang isa sa mga naging dahilan upang siya ay tanghalin na Binibining Cebu 2020.
Nagkaroon naman ng panayam ang local daily news na The Freeman lay Beatrice na kung saan dito ay inilahad ng dalagang beauty queen na siya at ang kanyang girlfriend ay limang taon ng magkarelasyon at ito raw ang kanyang no. 1 ,

Photo Credit: bealuigigomez/Instagram

Ayon din kay Beatrice ay masaya siya dahil siya ay tinanggap ng organisasyon at ang mga kanyang taga suporta ay patuloy pa rin siyang sinusuportahan. Hindi rin niya gustong itago sa lahat kung ano ang totoong estado ng kanyang pagkatao dahil ayaw niyang mahirapan siya o ang kanyang girlfriend pag ginawa niya ito.

Nakasuporta din umano si Beatrice sa kanyang mga kapwa LGBT, ‘I am your representative, and I hope I made all of you proud.” Ang iniwang mensahe ni beatrice para sa kanyang mga kapwa LGBT.

Sa ginawa nanan na pag-amin ni Beatrice ay marami ang nacurious kung sino ang girlfriend ng nasabing beauty queen, kaya’t ang PEP. Ph (Philippine Entertainment Portal) ay nagsaliksik upang matukoy kung sino ito at napag-alaman nga nila na ang dating performance DJ na si Kate Jagdan ang girlfriend nito.

Sa instagram ni Kate ay makikita ang kanyang ibinahagi ng mensahe para kay Beatrice matapos nitong koronahan bilang Binibining Cebu 2020. “Congratulation to the new Binibining Cebu 2020 Beatrice Luigi Gomez and the rest of her court, besting over 53 other candidates in the pageant held in waterfront cebu.

“Your journey of finding true beauty, strength, bravery ad being true to one’s self is an inspiration to every Cebuano and your advocacy about youth empowerment through sports is a shining example that there is always a way to make life better.

“You’ve shown true humanity along the way, but I know this is only the beginning always remember i am always here to support you no matter what. Hindi nga maitago ni Kate ang pagiging proud niya para kay Beatrice.

maliban sa mensahe na ito na ibinhagi niya sa kanyang instagram ay mayroon pa siya uli na na mensahe rito na mababasa “65 weeks” ago kung saan nakasaad ay “Nothing more compare the happiness I felt for this moment having someone like you in my life.




“Thanks be God! Yes I said that, because your one of a kind. I’m glad and always feel blessed for having you in my life.” Marami rin ang makikita sa instagram ni Kate na larawan nila ni Beatrice na magkasama at sweet na sweet kaya naman patunay lang ito na proud talaga ang bagong Binibining Cebu 2020 sa totoong estado ng kanyang pagkatao at na siya ay member ng LGBT community.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *