Bahay Na Naging Saksi Sa Pagmamahalan Nina James Reid At Nadine Lustre Napapa Balitang Ipinagbibili Na

Sina James Reid at Nadine Lustre ay hindi lang isang tambalan , kundi isang magkasintahan sa showbiz na talagang hinangaan ng marami dahil sa kanilang tambalan na kinakiligan at relasyon sa totoong buhay na talagang sinubaybayan.

Image Credit via Google




Ang kanilang relasyon ay talagang sinubaybayan ng kanilang mga fans at supporters magmula ng ito ay mag-umpisa hanggang sa dumaan sa mga intriga na kung saan ay nalampasan ng dalawa at naging matatag sa isa’t isa.

Image Credit via Google

Kaya ngayon na kinumpirma nina James at Nadine na silang dalawa ay hindi na magkarelasyon marami sa kanilang mga tagahanga ang talagang nagulat at nalungkot, ang iba naman ay nais malaman ang totoong dahilan ng nasabing hiwalayan ng dalawa at kung may third party ba na involve sa nangyari.

Image Credit via Google

Ngunit hindi naman naglabas ng anumang detalye sina James at Nadine kung ano nga ba ang totoong dahilan ng kanilang naging paghihiwalay. At dahil nga sa hiwalayang naganap ngayon ay may lumabas na naman na balita na binebenta na daw ng aktor na si James Reid ang kanilang naging bahay “love nest” ng dating kasintahan na si Nadine Lustre.

Image Credit via Google

Ayon sa naging ulat ng Philstar ang Pod na pagmamay-ari ni James Reid sa isang subdibisyon sa Quezon City, na kung saan sila ay nagsama ng dating kasintahan na si Nadine Lustre ay binebenta na umano ng aktor.

Ayon naman sa ibang source, nagawa ibenta ni James ang nasabing bahay upang kalimutan na ang mga nangyari sa kanyang past relationship at upang tuluyan ng makapag move on. Lumipat na rin umano ang aktor sa isang bagong bahay.

Nakilala ang aktor na si James Reid sa industriya ng showbiz ng siya ay tanghaling Pinoy Big Brother Winner sa Teen Edition taong 2010, at sa taon ding ito umusbong ang kanyang karera sa industriya.

Mas lalo pa ngang namayagpag ang karera ni James ng makatambal niya sa ilang pelikula si Nadine Lustre, na ang kanilang tambalan ay talagang tinangkilik ng mga manonood dahil sa kilig na talagang madarama sa pagsasama nila sa pelikula.




Hindi nga nagtagal ay naging magkarelasyon ang dalawa (James at Nadine), at tatlong taon din silang nagkarelasyon bago nga nauwi ang lahat sa hiwalayan ngayong taong 2020.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *