Bakit Kailangan Mo Tanggalin Ang Iyong Underwear Bago Matulog?

Siguro nagtataka kayo kung bakit kailangan niyo tanggalin ang inyong underwear o panty bago matulog. Parang hindi maganda sa pakiramdam diba? Pero maniwala kayo o hindi may malaking maitutulong ito sa inyong kalusugan. Kahit mga lalaki kailangan ding gawin ito. Maaaring hindi kayo magiging kumportable sa una pero kapag nagtagal at nasanay narin kayo sa gawaing ito makikita niyo kung anong benepisyo ang maibibigay nito sa inyo.

Ito Ang Dahilan Kung Bakit Kailangan Mo Tanggalin Ang Iyong Underwear Bago Matulog

Lingid sa kaalaman ng iba na ang pagsusuot ng underwear habang natutulog ay isang maling gawain. Ito ay dahil mas tumataas ang panganib na magkaroon ng impeksiyon sa ari lalo na ang mga babae. Ito ay dahil sa crotch rot na nagdudulot ng pangangamoy at pangangati ng ari kapag matagal nakakulong ang iyong ari at hindi nasisingawan ng hangin.

Paano nga ba nakakaapekto ang pagsususot ng underwear sa iyong kalusugan ng ari? Ang mga taong may mataas na pagkakataong magkaroon ng yeast impeksiyon o ibang klase pa ng impeksiyon katulad ng bacterial vaginosis ay dapat nagtatanggal ng underwear bago matulog sa kadahilanang ang bakterya ay mas mabilis dumami kapag nagpapawis o naiinitan ang ari. Kapag dumami ang bakterya sa iyong ari maaaring mapinsala rin nito ang mga good bakterya na magreresulta sa pagkakaroon ng mabaho at nangangating ari.

Bigyan ng pagkakataon ang iyong private part para makapagpahinga sa kulong na lugar. Makakatulong na ng malaki kapg hinubad mo ang iyong underwear sa loob ng ilang oras habang ikaw ay natutulog. Kung hindi ka talaga kumportable na hindi magsuot ng underwear o kayo mayroon kang kabuwanang dalaw pwede ka naman magsuot ng panty pero siguraduhin lang na ito ay maluwag at gawa sa cotton ang tela para hindi pag-ipunan ng maraming bakterya.

Ano Naman Ang Benepisyo Nito Sa Mga Lalaki?

Ang hindi naman pagtanggal ng underwear ng mga lalaki ay maaaring magdulot ng jock itch. Ang kundisyong ito ay dulot ng fungal infection na kadalasang tumutubo sa mga singit. Kung nais mo maiwasan ang pangangati at allergy sa iyong private part ng dulot ng fungal infection magsuot na lamang ng mga maluluwag na boxer short na gawa sa cotton kung saan makakasingaw ang init sa iyong private part.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *