Bangs Garcia Namumuhay Na Ng Marangya At Masagana Sa UK Kasama Ang Anak At Kanyang Asawa

Hindi nga naman natin maitatanggi na isa si Bangs Garcia, sa mahuhusay na aktres sa showbiz. Isa siya sa mga artista na kadalasan natin nakikita sa palabas na “Shake, Rattle and Roll”, gumanap din siya na kaibigan ni Kris Aquino sa pelikulang “Segunda Mano” at naging parte rin siya ng teleseryeng “Katorse”.

Photo Credit: valeriebangsgarcia/Instagram

Marami nga naman ang talagang nakakamiss sa artistang si Bangs, ngunit alam naman natin na kaya iniwan niya ang showbiz ay upang makasama ang kanyang asawa sa lugar nito at bumuo ng isang masayang pamilya.




Ano na nga ba ang buhay ni Bangs o mas kilalang Valerie Garcia, matapos niyang magpakasal sa isang businessman at Filipino-British na si Lloyd Birchmore.

Photo Credit: valeriebangsgarcia/Instagram

Ilan sa kanyang mga naging proyekto ay nang kasama siya sa “Let’s Go,” “Katorse,” at Hindi naman naging pribado ang buhay ni Bangs kahit siya ay wala na sa showbiz, sa kanyang Instagram ay patuloy pa ring ibinabahagi ni Bangs ang mga masasayang pangyayari sa kanyang buhay.

Photo Credit: valeriebangsgarcia/Instagram

At ilan sa mga ito ay ang kanyang pagpapakasal sa kanyang asawa, hindi lang isang beses, kundi tatlong beses sila ikinasal ni Lloyd.

Photo Credit: valeriebangsgarcia/Instagram

Una silang ikinasal noong taong 2016, sa isang civil wedding sa London at muling nagpakasal sa isang napakagandang church wedding sa Boracay noong January 23, 2017 at pagkatapos nga nito ay nasundan pa ng isang beach wedding sa napakagandang Isla ng Boracay.

Photo Credit: valeriebangsgarcia/Instagram

Agad naman silang biniyayaan ng anak, makalipas ang isang taon matapos sila ikasal. Isinilang ni Bangs ang napaka cute na baby girl na si “Amelia” noong December 5,2017. Sa mga larawan ni Bangs sa kanyang Instagram, ay hindi maikakaila na maganda ang kanilang pamumuhay sa UK sa piling ng kanyang mag-ama.

Photo Credit: valeriebangsgarcia/Instagram

Marami ring netizens ang nagsabi na napaka perpekto ng kanilang pamilya dahil sa napakagwapo ni Lloyd, at napakaganda naman ni Bangs Garcia idagdag pa ang kanilang napaka cute na anak.




Makikita rin sa larawan nila, na lagi silang namamasyal na buong pamilya, at nagbobonding kasama ang kanilang anak na si Amelia.

Nagbukas naman si Bangs ng sarili niyang online shop kung saan nagbebenta siya ng mga damit at magagandang art works kahit pa nga na maayos at sapat na naman para sa kanilang pamilya ang kinikita ng kanyang asawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *