Bangs Garcia Proud Na Ibinahagi Ang Pagiging Isang Responsable At Matulunging Partner Ng Kanyang Asawa

Tunay na kahanga-hanga ang mga haligi ng ating tahanan o ang mga ama, at nakakatuwang makita kung gaano nila nagagawa na ipadama sa pamilya ang kanilang pagmamahal at pag-aaruga sa kabila ng pagod sa mahabang araw ng pagtatrabaho nila.




Nakakabilib nga kung iisipin ang mga mister na kahit pagod na sa pagtatrabaho sa maghapon, pagdating sa loob ng tahanan ay nagagawa pa ring gawin ang kanilang obligasyon bilang asawa, ang tumulong sa loob ng tahanan at ipadama sa kanyang pamilya ang pag-aalaga niya.

Photo Credit: valeriebangsgarcia/Instagram

Pagdating sa usaping asawa at ama, ang aktres na si Bangs Garcia ay ibinahagi kamakailan lamang na ang mister niya ay isa lamang sa mga asawa’t ama na sa kahit na pagod na nga sa maghapong pagtatrabaho nito ay talaga namang nagagawa pa rin nito na tumulong sa kanya sa loob ng tahanan pagkauwi nito.

Photo Credit: valeriebangsgarcia/Instagram

Kamakailan lamang ng si Bangs ay makapanayam sa morning show ng Kapamilya network na “Magandang Buhay”, kung saan ay ibinahagi ng aktres ang kabutihan ng kanyang asawa at pasasalamat niya para rito. Ipinagmamalaki ring ikinuwento ni Bangs na sa kasalukuyan ay isa siyang housewife, kung saan siya nga ang namamahala sa kanilang tahanan at nag-aalaga sa kanilang mga anak.

Photo Credit: valeriebangsgarcia/Instagram

Isa din nga umano sa mga trabaho ni Bangs ay ang masigurado na maayos ang kanilang tahanan bago pa man umuwi ang kanyang mister galing sa maghapon nitong pagtatrabaho.
Sa kabila naman na si Bangs ang halos gumagawa sa loob ng kanilang tahanan, ay ipinagmamalaki at kinabibiliban ng aktres ang kanyang mister, dahil ayon nga sa kanya kahit na ito ay pagod na sa maghapon nitong trabaho, pagdating nga sa loob ng kanilang tahanan ay nagagawa pa rin siya nitong tulungan.

Photo Credit: valeriebangsgarcia/Instagram

“Kahit na pagod na siya sa work, tumutulong pa rin siya”, ani Bangs. Ayon pa sa aktres, ang kanyang mister ay mayroong ilang gawain na regular ng ginagawa ng kanyang mister para sa kanya. Hindi lamang nga sa mga gawaing-bahay tumutulong ang asawa ni Bangs, dahil maliban pa rito, ay nagbibigay din nga umano ito ng emosyonal na suporta sa aktres, lalo na nga kung siya ay nakararamdam na ng stress at pagod sa pag-aalaga sa kanilang mga anak.




Talaga namang proud si Bangs sa pagiging isang matulungin at responsable ng kanyang asawa. Si Bangs Garcia ay isa sa mga sikat na aktres sa showbiz noon na nagsimulang sumikat at makilala ng publiko noong taong 2005. Iniwan ni Bangs ang pag-aartista ng siya ay ikinasal sa kanyang mister na si Lloyd Birchmore noong taong 2016. Sa kasalukuyan ay mayroon ng dalawang anak si Bangs at ang kanyang mister, at ito ay ang mga nagagandahang anak nila na sina Amalia at Isabella.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *