Barbie Imperial Labis Na Kinilig Dahil Isa Nanamang Romantikong Sorpresa Ng Nobyong Si Diego Loyzaga

Bumaha ang napakaraming nakakakilig na sorpresa noong araw ng mga puso [Valentine’s day] para sa mga taong nagmamahalan. Hindi lang sa mga magkasintahan o mag-asawa, kundi maging sa mga anak sa kanilang mga magulang, at sa mga kapatid na labis na pinahahalagahan ang isa’t isa.




Karaniwan na ating nasisilayang sorpresa tuwing Valentine’s day ay ang mga ginawang pagbibigay ng isang tao sa kanilang minamahal ng bulaklak, tsokolate at teddy bears, kung saan ay talaga namang hindi maikakaila na saya ang nadarama ng taong nakatanggap nito.

Photo Credit: msbarbieimperial/Instagram

Samantala, para naman sa ibang taong nagmamahal ay hindi lang tuwing araw ng mga puso kailangan bigyan ng espesyal na mga regalo o sorpresa ang kanilang mahal sa buhay, dahil sa kahit anong araw ay pwede mong gawing espesyal kung nais mong bigyang kasiyahan ang iyong minamahal.

Photo Credit: msbarbieimperial/Instagram

Katulad na nga lamang ng kilig na nadama ng aktres na si Barbie Imperial, matapos niyang makatanggap muli ng romantikong sorpresa mula sa kanyang nobyong aktor na si Diego Loyzaga, ilang araw matapos ang naging pagdiriwang ng lahat ng Valentine’s Day.

Photo Credit: msbarbieimperial/Instagram

Sa Instagram ng aktres ay kanyang ibinahagi ang isang napaka-sweet na surpresa sa kanya ng nobyong aktor, sa kabila nga ng hindi sila magkasama nito dahil sa may pinagkakaabalahan ito ngayong proyekto.

Photo Credit: msbarbieimperial/Instagram

Makikita sa mga larawang ibinahagi ng ni Barbie Imperial sa kanyang Instagram account ang romantikong sorpresa ni Diego para sa kanya. Ito nga ay isang silid na pinuno ng mga kulay pulang dekorasyon, tulad ng mga pulang bulaklak at hugis pusong pulang lobo na tila mga nagpapahiwatig ng labis labis na pagmamahal ni Diego para sa kanya.

Photo Credit: msbarbieimperial/Instagram

Labis naman ang kilig at saya na nadama ng aktres ng makita niya ang napakaganda at romantikong silid. Ngunit hindi lang pala ito ang sorpresa ng nobyo, dahil may pa-bulaklak din ito, at ibinahagi ni Barbie ang bouquet of roses na mula kay Diego.

Photo Credit: msbarbieimperial/Instagram

Kinilig pa lalo si Barbie ng mabasa ang nakasulat sa card ng bulaklak, kung saan ay tinawag siya ni Diego na ‘My Princess’.

Photo Credit: msbarbieimperial/Instagram

Damang-dama nga ng aktres ang pagmamahal sa kanya ng nobyong aktor, dahil sa kabila ng abala ito sa trabaho, ay nakakagawa pa rin ito ng paraan na pakiligin at ipadama sa kanya ang pagmamahal nito.

Kalakip naman ng mga ibinahaging larawan ni Barbie sa kanyang IG, ay ang naging mensahe niya para sa mahal niyang nobyong si Diego, kung saan ay pinasalamatan niya ito sa pagmamahal at pagpapahalaga na pinaparamdam nito sa kanya.




“Diego [crying emoji] thank you, endless efforts. You were still able to do this kahit hindi tayo magkasama cuz you have work. Grabe ka you always find way to make me happy. Thank you for always make me feel loved.

Any days feels like Valentines with you, I miss you already, thank you love @diegoloyzaga [red heart emoji.]”Matatandaan na isinapubliko ni Barbie Imperial at Diego Loyzaga ang kanilang relasyon nito lamang pagpasok ng taong 2021.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *