Barbie Imperial Nakatanggap Ng Isang Nakakakilig Na Sorpresa Mula Sa Kanyang Boyfriend Na Si Diego Loyzaga

Kasabay ng pagpasok ng taong 2021, ay ang naging pagbubukas sa publiko nina Barbie Imperial at Diego Loyzaga ng isang napakagandang relasyon na nabuo sa kanilang dalawa.




Sa Instagram nga ng aktor noong ika-1 ng Enero, ay agad na ibinandera ng aktor ang larawan nilang magkasama ni Barbie, kung saan ay makikita na sweet na sweet sila habang magkayakap at nakatingin sa isa’t isa.

Photo Credit: msbarbieimperial/Instagram

“Happy New Year to us [heart emoji], thanks for making the end of 2020 memorable. Let’s go 2021!”, ang naging caption ng ani Diego sa kanyang Instagram post.

Photo Credit: msbarbieimperial/Instagram

Samantala, ilang linggo pa nga lamang ang nakalilipas matapos isapubliko nina Barbie at Diego ang kanilang relasyon, ay isang nakakakilig na surpresa naman ang inihanda ng aktor, para kay Barbie.

Photo Credit: msbarbieimperial/Instagram

Masaya ngang ibinahagi ni Barbie sa kanyang Instagram account ang nakakakilig na surpresa sa kanya ng kanyang nobyong aktor. Nito nga lamang araw ng Miyerkules, ay ibinahagi ni Barbie ang mga larawan na kuha sa naging napaka-romantikong surpresa sa kanya ni Diego.

Photo Credit: msbarbieimperial/Instagram

Base nga sa mga larawan na ibinahagi ng aktres, ay isang candle-lit room na puno ng mga white flower petals at mga balloons ang inihanda para sa kanya, ng kanyang very sweet na boyfriend na si Diego Loyzaga.

Photo Credit: msbarbieimperial/Instagram

Makikita rin sa mga naging dekorasyon ng nasabin silid na mas nagbigay kilig kay Barbie, ay ang mga hanging polaroids, na may mga larawan ng aktres at ang ilan pa nga ay mga larawan nil ani Diego na magkasama, kung saan ang mga ito ay may mga nakalagay na notes, tulad ng “the best view in the world”, “inseparable” at “how happy you make me.”

Photo Credit: msbarbieimperial/Instagram




Kalakip nga ng larawan na ito na ibinahagi ni Barbie, ay ang caption niya na;
“Came home to this. Grabe naman. Thank you, grabe ka talaga, you’re the best. Thank you my love @diegoloyzaga [heart emoji].”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Barbie Imperial (@msbarbieimperial)

Makikita rin sa nasabing larawan, kung gaano kasaya ang magkasintahan, lalo na ang aktres na si Barbie Imperial dahil sa sobrang nakakakilig na effort na ginawa ni Diego para siya’y bigyang sorpresa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *