Baron Geisler Inamin Na Malaki Ang Nabago Sa Kanyang Buhay Mula Ng Siya Ay Maging Isang Ama

Lahat ng tao ay may kanya-kanyang pinagdaanan sa buhay,kaya naman mayroon talagang mga tao na minsan ay inaakala na nating wala ng direksyon sa buhay, dahil sa nagagawa nilang mapariwara dahil sa mga problemang kanilang pinagdaraanan.




Ngunit sa kabila nito, ay batid naman natin, na ang bawat isa, naligaw man ng landas, ay mayroon pa ring pagkakataon na magbago, at ayusin ang buhay niya, upang ito’y mas mapabuti.

Photo Credit: baron.geisler/Instagram

Halimbawa na nga lamang nito ay ang aktor na si Baron Geisler, na kung saan ay marami sa atin ang hind nagin maganda ang impresyon sa kanya dahil sa kanyang nakaraan. Ngunit ngayon, ay makikita na nga natin, na isina-ayos na nito ang kanyang buhay, at nasa mabuting landas na ito, lalo na matagpuan niya ang babaeng kanyang minamahal, na kasama niya nga ngayon na bumuo na ng pamilya.

Photo Credit: baron.geisler/Instagram

Maliban nga sa kanyang asawang naging sandalan ni Baron upang mas gawing tuwid ang kanyang buhay, ay mas lalo pang nagpakabuti ang aktor ng dumating sa buhay nilang mag-asawa ang kanilang anak na si Tali.

Photo Credit: baron.geisler/Instagram

Ayon nga sa isiniwalat ng aktor sa isang prescon na naganap noong ika-15 ng Enero, araw ng Biyernes ay malaki ang naging pagbabago sa kanyang ugali ng dumating sa kanyang buhay ang kanyang mag-ina, lalong lalo na nga ang kanyang anak na si Tali.

Photo Credit: baron.geisler/Instagram

Sinabi rin ni Baron, na ngayon ay nais niya ng tahimik na buhay kasama ang kanyang mag-ina, na ayaw na niya ng gulo, at tanging pag-ibig at pakikipagkaibigan na lamang ang nais niyang mangibabaw sa bawat isa.

Photo Credit: baron.geisler/Instagram

Ibihagai rin ni Baron, na ngayon ay mas napalapit siya sa Diyos, na kung saan mas nabatid niya na sa bawat taimtim na panalangin ng isang tao, ay talagang ito ay ibinibigay ng Diyos lalo na kung ito ang makabubuti sa taong ito. Sa kabila nga umano ng mga naging Pangako niya sa Diyos noon na hindi niya natupad, ay marami pa rin sa kanyang mga dasal ang dininig nito, kaya naman talagang nagpapasalamat siya sa Panginoon.

Photo Credit: baron.geisler/Instagram

Dagdag pa ng aktor, mas napagtanto niya ang kahalagahan ng pagiging mabuting tao, at pagkakaroon ng disiplina sa sarili, ngayong tayong lahat ay patuloy na kinahaharap ang krisis lumalaganap sa maraming mga bansa sa mundo. Priyoridad din umano ngayon ng aktor ang kanyang pamilya.

Photo Credit: baron.geisler/Instagram




Ang anak nga ni Baron na si Tali ay nagdiwang na ng ika-unang kaarawan nito noong ika-20 ng Enero ng kasalukuyang taon. Makikita naman sa mga larawan ngayon ni Baron, na masaya ito kapiling ang kanyang mag-ina, at tila nga nasa tamang direksyon na ang bhay nito ngayon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *