Baron Geisler, Walang Mapagsidlan Ang Kaligayahan Ng Makita Sa Unang Pagkakataon Ang Kanyang Bagong Silang Na Anak

Masayang ibinahagi ng 37-year old actor na si Baron Geisler na ang kanyang non-showbiz wife na isang Psychologist na si Jaime Evangelista ay isinilang na ang kanyang unang anak at ito ay isang cute at malusog na Baby Girl.

Photo Credit: baron.geisler/Instagram




Noong ngang January 20 araw ng Lunes nitong taon ay masayang ibinalita ni Baron na isinilang na ng kanyang asawang si Jamie ang kanilang baby girl sa pamamagitan ng pagbabahagi sa kanyang Instagram ng larawan ni Jamie at kanilang Babygirl. Ayon pa sa post ni Baron ay sa Chong Hua Hospital sa Cebu nanganak si Jamie.

Photo Credit: baron.geisler/Instagram

Bilang mga bagong magulang ay isang napaka gandang pangalan ang binigay nila para sa kanilang cute baby girl at ito ay si Baby Talitha Cumi Geisler.

Photo Credit: baron.geisler/Instagram

Hindi nga naman maitago ang saya na nararamdaman ng akto na si Baron ng makita si Baby Talitha. At isang larawan na kanyang ibinahagi ay ipinarating niya sa pamamagitan ng napakagandang mensahe kung gaano siya kasaya sa pagdating ni Talitha sa kanilang buhay.

Photo Credit: baron.geisler/Instagram

Narito ang naging pagbabahagi no Baron kalakip ang larawan ng kanilang Baby Talitha.
“Im in Love”#Imagine#TalithaCumiGeisler#LittleGirlArise#ThankyouJesus
Makikita din sa mga larawang ibinahagi ni Baron ang himbing na himbing na natutulog na mistulang anghel na si Baby Talitha. Nagbahagi din ang nasabing aktor ng larawan ng kanyang asawang si Jamie kahit ito’y kapapanganak pa lamang.

Photo Credit: baron.geisler/Instagram

Matatandaan na noong September 27, 2019 ng anunsyo ng “FPJ Ang Probinsyano” actor na si Baron Geisler sa kanyang instagram post na ineexpect na nila ang pagdating ng kanilang baby girl, kalakip ng anunsyong ito ay ang isang sonogram photos.

Photo Credit: baron.geisler/Instagram

Dito din sa post na ito ay isinaad ni Baron na ang expected date talaga ng paglabas ni Baby Talitha ay month panang February ngunit napaaga ang labas nito at isinilang nga noong January 20.Narito ang nakasaad sa post ni Baron;

Photo Credit: baron.geisler/Instagram

“With our grateful heart, I introduce our li’l princess beanie Talitha Cumi. Coming out on Feb 2020. Please help me pray for mommy and baby’s health and safe delivery. I also appreciate any tips for parenting God bless! Thank you Lord for this priceless blessing and answered prayer”

Si Jamie at Baron ay nagkakilala ng si Baron ay nasa isang counseling centre na kung saan ay doon din nagtatrabaho si Jamie bilang isang Psychologist. Dito din nagsimula ang kanilang magandang pagsasamahan hanggang sa maging mag kasintahan noong September 2018.




Para naman kay Baron ang asawa niyang si Jamie ay “The gift of God”sa kanyang buhay, ito ay sinabi niya ng minsan siyang inteviewhin. Ikinasal sina Jamie at Baron sa isang Civil Wedding Ceremony sa Quezon City Hall of Justice noong September 2019.
Hindi nga matatawaran ang saya na ngayon ay nararamdaman ng mag-asawang Baron at Jamie sa pagdating ni Baby Talitha Cumi sa kanilang buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *