Basketbolistang Si Peter June Simon Masayang Ibinahagi Ang Pagiging Ganap Na Ama

Tunay nga naman na ang isang anak ang isa sa pagbubuklod pa lalo ang pagsasama ng mag-asawa o ng dalawang taong nagmamahalan. Biyaya ring maituturing ang isang anak sa isang pamilya, lalo pa’t ito ang nagbibigay kasiyahan sa loob ng isang tahanan.




Kaya nga naman walang pagsidlan ang kasiyahan at galak na nadarama ng mag-asawang Peter June Simon at Jehza Huelar ng maging ganap silang mga magulang, matapos ngang dumating sa buhay nila ang kanilang baby boy.

Photo Credit: pjs08/Instagram

Si Peter June Simon ay kilala bilang isang retiradong basketbolista na kilala rin sa showbiz bilang si PJ Simon, samantala ang misis niyang si Jezha ay isa lamang dating beauty queen.

Photo Credit: pjs08/Instagram

Kamakailan nga lamang ay masayany i-niwelcome ng mag-asawa ang kanilang unang anak, kung saan ito nga ay isang baby boy na napaka-kyut at lusog.

Photo Credit: pjs08/Instagram

Masisilayan sa social media ni PJ Simon ang naging pagbabahagi niya ng isang larawan niya, habang tila maingat na binubuhat ang kanyang anak, habang sila ngang mag-ama ay kinukunan ng larawan.

Photo Credit: pjs08/Instagram

Sa larawan ngang ito ay masasabing napakasaya ni PJ sa pagiging isa na niyang ama, dahil sa kanyang mga ipinapakitang ngiti, at ganun rin ang ipinahayag niya sa caption ng larawan;
“Priceless! May God Bless You My Little Angel”, ani PJ.

Photo Credit: pjs08/Instagram

Bumuhos naman kaagad ang napakaraming pagbati para sa mag-asawa, dahil sa napakagandang biyaya na dumating sa kanilang buhay at pamilya. Ilan nga sa mga nagpa-abot sa kanila ng pagbati ay mga kaibigan nila at maging ang kanilang mga tagahanga.

Photo Credit: pjs08/Instagram

Samantala, ayon sa ulat ay isinilang ni Jezha ang anak nila ng asawang si PJ ang malusog nilang baby boy noong ika-1 ng Marso 2021, araw ng Lunes. Ang naturang sanggol ay may bigat na 3.045 kg at binigyan nga nila ito ng pangalan na Peter Jeidon Simon, kasunod nga ng pangalan ng retiradong basketbolista.

Makikita naman sa Instagram account ng dating beauty queen, ang naging pagbabahagi niya ng larawan na kuha sa kanyang naging maternity photoshoot, at ito nga ay may caption na;




“Embarking on a new chapter of our life… so beautiful beyond description.”
Sina PJ Simon at Jehza Huelar ay ikinasal noong buwan ng Mayo taong 2019 sa Tagaytay, kung saan ito nga ay dinaluhan ng mga sikat na beauty queen at mga popular at kilalang basketbolista sa ating bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *