Batang Si “Tolits” Na Nakilala Sa Tide Commercial Noon Ito Na Pala Ang Kanyang Buhay Ngayon

Naalala nyo pa ba ang Tide Commercial noon kung saan ay may isang cute na batang lalaki ang nagsasabi ng linyang “Ako, ako…Lagi na lang ako?” . Taong 2008 ng ito ay lagi nating nakikita sa komersyal ng ating mga telebisyon.




Ang batang bibo at cute na mapapanood natin sa komersyal ng sikat na sabong panlaban nito noon, ay si BJ “Tolits” Forbes, kung saan ngayon ay isa na siyang ganap na binata at may ilang pagbabago na nga sa buhay niya ngayon.

Image Credit via Google

Kamakailan lamang, sa Youtube channel ng WhatsUp Pinoy, ay ibinahagi nito ang buhay ngayon ni Tolits ang batang nakilala ng marami sa atin sa TV commercial na Tide.

Image Credit via Google

Sa pamamagitan ng WhatsUp Pinoy channel, ay muli na naman nga nating nasilip ang buhay ngayon ng dating cute little kid ng Tide commercial. Isa nga sa ating mga nalaman ang pagiging isang proud father ngayon ni Bj “Tolits” Forbes sa kanyang 2 months old baby girl.

Image Credit via Google

Naging bukas si Tolits sa kanyang buhay sa social media, at ibinabahagi niya rito ang mga larawan at video kung saan ay kasama niya ang kanyang buong pamilya.

Image Credit via Google

Kahit pa nga ba bata pa ang kanyang edad para maging isang ama, ay ipinakita ni BJ kung gaano niya one enjoy at ginagampanan ang kanyang pagiging isang ama sa binuo niya ng pamilya.

Image Credit via Google

Ibinahagi rin dito, na naging isa pala si BJ sa mga lumahok sa segment na “That’s My Boy, ng GMA Network, ngunit hindi lang siya pinalad na manalo sa kanyang mga katunggali.

Image Credit via Google

Magkaganoon man, alam naman nating lahat na sa kanyang murang edad noon na 5-taong gulang lamang, ay nakuha na agad niya pansin ng mga manonood dahil sa kanyang ipinakitang cuteness at charm sa TV commercial ng Tide.

Image Credit via Google

Ang TV commercial nga ng isang malaking kumpanya ng sabon, ang naging daan ni Tolits upang makilala sa industriya, hanggang maging isa nga siya sa mga host ng nasabing noontime show.

Image Credit via Google

May ilang mga proyekto rin sa telebisyon kung saan ay napanood natin si Tolits, tulad na lamang ng Full Haus, Etheria at ang Fantastik. Huling nasilayan sa telebisyon si Tolits sa isang primetime series ng Kapamilya Network na “Pangako Sayo”.




Napag-alaman rin natin na hindi lang pala sa pag-arte sa telebisyon may talento si Tolits, dahil isa rin pala itong theater actor at isa sa mga ginampanan niya role ay bilang si Don Juan ng Ibong Adarna.

Sa ngayon ay masaya si Tolits sa kanyang buhay kasama ang kanyang nobya ng higit na limang taon, at mas lalo pa ngang nagbibigay kasiyahan sa kanya ang pagdating ng kanilang baby girl.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *