Batikang Aktor Na Si Aga Muhlach Wala Pa Ring Kupas Ang Taglay Na Kagwapuhan Ngayon

Isa sa mga batikang aktor at naging matinee idol noong kanyang kabataan ay ang hinahangaan at kinikakikiligang aktor na si Aga Muhlach. Ang kanyang napakagwapong mukha at taglay na karisma ay naghahatid nga naman talaga ng kilig sa marami niyang mga tagahanga at manonood.




Sa tunay na buhay ay kilala siya bilang si Ariel Aquino Muhlach. Ipinanganak siya sa Sta. Cruz Manila noong ika-12 ng Agosto taong 1969.

Photo Credit: agafanaticsofcl/Instagram

Maagang pinasok ni Aga Muhlach ang pag-aartista, kung saan ay 7-taong gulang lamang siya ng una niyang ipinamalas ang kanyang husay sa pag-arte. Ang kanyang naging unang mga pelikula ay ang “May Isang Tsuper ng Taksi” noong taong 1975 at taong 1976 naman ay ang pelikulang “Babaeng Hiwalay sa Asawa.”

Photo Credit: agafanaticsofcl/Instagram

Dahil sa kanyang naging maagang pagsabak sa mundo ng showbiz ay kinailangan niyang itigil ang pag-aaral niya sa San Beda College, upang mas bigyang panahon ang kanyang career.

Photo Credit: agafanaticsofcl/Instagram

Makikita sa taglay na kagwapuhan ni Aga ang pagkakaroon nito ng dugong banyagam dahil sa kanyang mestizong dating. Ayon sa mga naging ulat may dugong Spanish, German at Chinese ang aktor kaya naman talagang napakagwapo nito. At ang gwapo nga niyang mukha ang naging unang puhunan niya para mapasok ang industriya ng showbiz.

Photo Credit: agafanaticsofcl/Instagram

Mas naging sikat at nakilala pa lalo ang pangalan ni Aga sa mundo ng showbiz ng mapabilang siya sa pelikula noon na “Bagets”, kung saan ay napakarami naman talagang kababaihan ang kanyang napakilig dahil sa kanyang napaka-charming na personalidad idagdag pa ang kanyang taglay na karisma at napaka-kyut niyang dimples sa kanyang pisngi na “additional pogi points” nga niya lalo na kapag siyang nakangiti.

Photo Credit: agafanaticsofcl/Instagram

Dahil nga sa mga pisikal na katangiang taglay niya ay talaga namang naging bentang benta sa kanyang mga fans ang kanyang kagwapuhan. Samantala, pagdating nga sa buhay pag-ibig ni Aga, ay matatandaan na noon ay naka-relasyon niya ang aktres na si Janice De Belen, at ang kanila ngang naging relasyon ay nabiyayaan ng isang anak at ito nga ay kamukhang-kamukha ni Aga, siya ay si Luigi Muhlach.

Sa kabila naman ng pagkakaroon nila ng anak, ay hindi naman nauwi sa kasal ang relasyon ng dalawa. Dahil kahit inalok ni Aga si Janice na magpakasal, ay tinanggihan naman ito ng aktres sa kadahilanan na napakabata pa nila nung panahon na ‘yon para pasukin ang resposibilidad ng pag-aaasawa.

Ikinasal naman si Aga sa beauty queen-actress na si Charlene Gonzales noong yaong 2001, kung saan dito niya natagpuan ang kanyang tunay na pag-ibig. Ang kanilang pagsasamang mag-asawa ay nabiyayan ng kambal na anak, na sina Atasha at Andres na ngayon ay dalaga’t binata na at kitang -kita rin na namana ng mga ito ang ‘artistahin looks’ ng kanilang mga magulang.




Ngayon nga ay hindi maikakaila na nagkakaedad na rin ang batikang aktor na si Aga Muhlach, ngunit sa kabila nito ay hindi naman nawawala sa dating matinee idol ang kanyang taglay na karisma at kagwaouhan kung saan hanggang ngayon ay wala pa ring kakupas kupas ang pagbibigay kilig niya sa marami niyang mga tagahanga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *