Batikang Aktres Na Si Rosanna Roces Inamin Ang Naging Pagsamba Niya Sa Pera Noon

Sa buhay ng isang tao, ay mayroon nga namang pagkakataon na tayo’y nakakalimot na sa Diyos, lalo na nga kung ikaw ay nasilaw na sa karangyaan at tagumpay ng buhay na tinatamasa. Mayroon Pa ngang iba, na mas pinahahalagahan pa ang mga materyal na bagay o di kaya naman ay salapi at kayamanan, kaysa sa Diyos na Lumikha ng lahat.




Isa nga sa mga naging ganitong tao noon, ay ang batikang aktres na si Rosanna Roces, na kung saan dahil sa kanyang tinatamasang kasikatan at karangyaan noon sa pagiging isa niyang aktres ng showbiz, ay nakalimutan na niya ang Diyos, at ang tanging Diyos na lamang para sa kanya, ay ang kanyang mga pera.

Image Credit via Google

“Wala akong Diyos dati! Ang Diyos ko, pera!” Ito nga ang naging rebelasyon ni Rosanna Roces o mas kilala sa showbiz bilang si Osang. Sa naging presscon nga ng pelikulang “Anak ng Macho Dancer”

Image Credit via Google

Ang bagong proyekto na gagawin ni Osang kung saan siya ay gaganap na bida bilang si Sean de Guzman, ay ibinahagi ng batikang aktres, kung paano niya sinasamba ang pera noon, imbis na ang Diyos.

Image Credit via Google

Ngunit nagawa niya umanong magbalik loob sa Diyos na Lumikha, ng maging bahagi siya ng teleseryeng “Natutulog ba ang Diyos”, kung saan ay inamin rin ni Osang na hindi ito nagtagal, dahil muli rin siyang nakalimot, at nagbalik sa kasalanan na kanyang nagawa.

Image Credit via Google

“Noong “Natutulog pa nag Diyos” (Tv series), that time, nagbalik-loob na rin ako sa Diyos, di ba? Pero naagawa din muli ako ng, nag backslide agad ako. Nagtampisaw na naman ako sa kasalanan.”

Image Credit via Google

Samantala, ngayon nga kung saan tayong lahat ay nakakaranas ng takot at pangamba dahil sa [email protected]@, ay muli ngang nasubok ang pananampalataya ni Osang sa Diyos, at muli nga siyang nagbalik-loob rito.

Image Credit via Google

“Ngayong pandemic, medyo… Magkakaroon ka nang personal na ugnayan sa Diyos, sa ayaw at gusto mo.” Sa naging ppagdating nga ng pagsubok sa ating lahat, kung saan ito ay ang [email protected]@ng ating nararanasan, ay talaga namang nangingibabaw na kay Osang ngayon ang muli niyang pagtitiwala at pagbabalik-loob sa Diyos.




Ayon nga sa batikang aktres, ang kanyang pagbabalik-loob, ay mas makakatulong sa kanya upang mas matatag pa siya sa mga pagsubok na maaari niyang harapin sa kanyang buhay.

Image Credit via Google

Ibinahagi rin ni Osang, na noon ay talagang marami siyang nakaaway sa showbiz, at ang iba pa nga rito, ay talagang sumakit ang ulo dahil sa kanya, kaya naman ang nais niya ngayon, ay ang makipag-ayos at bumawi sa mga ito, dahil sa idinulot niyang sakit ng ulo sa mga ito.
“Kung may award nga ang pinakamaraming inaway sa showbiz, ako yon. Hahaha!”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *