Bawal Magsabay Sa Iisang Kwarto Sa Hotel Na Ito Ang Mga Hindi Kasal Na Magkasintahan

Sa kasalukuyang panahon ngayon, marami na sa atin ang nakakalimot sa ating pananampalataya. Talamak na rin ang mga hayagang gumagawa ng mga immoral na mga gawain at sa katunayan pa nga’y pinagmamalaki pa nila ito. Ang mga kabataan rin ngayon ay madalas nang nasasangkot sa “pre-marital s3x” dahilan upang mabuntis sila sa mura nilang mga edad.




Hindi na rin masyadong nabibigyan ng pansin ang pagiging sagrado ng pagtatalik at kung tutuusin ay tila normal ng gawain ito para sa mga tao na kahit hindi sila kasal o hindi nila kasintahan ay ginagawa pa rin nilang makipagtalik.

 

 

Ito ang nais iwasan at hanggang ngayo’y paninindigan ng isang hotel sa Badiangan, Iloilo. Nitong nakaraan kasi ay nag-trending sa social ang litrato ng kanilang mga panukala sa kung sino lamang ang pwedeng mag-check in ng sabay sa iisang kwarto sa kanilang hotel. Ibinahagi ni Bonnie Degala ang litrato ng mga panukala ng hotel sa Facebook kung saan umani ito ng samu’t saring reaksyon mula sa mga netizens.

Ayon sa panukala, ang mga taong maaaring mag-check-in sa iisang kwarto ay ang mga magkasintahan kasal na. At para siguradong kasal na nga ang mga taong ito, nilinaw ng panukala na maaaring humingi ng kaukulang dokumento ang front desk na nagpapatunay na sila ay kasal katulad ng singsing, kontrata ng kanilang kasal, o mga ID.

Ayon sa hotel, bagama’t gusto nilang kumita ang kanilang negosyo, gusto rin nilang sundin ang bibliya at ang utos ng Diyos kung kaya’t kailangan nilang magbaba ng ganitong panukala. At para maging mas makatotohanan ang kanyang panukala, ginamit nila ang litrato ng programang “Halik” para sulatan ng kanyang panukala.

May mga netizens namang hindi sumang-ayon sa panukalang ito ng hotel at ang iba’y nadismaya pa. Ngunit sa kabila nito, paninindigan ng hotel management ang kanyang desisyon at sinabing mas mahalaga ang kanilang pananampalataya kaysa sa perang ibibigay ng kanilang kita sa hotel.

6 na taon na rin raw ang panukalang ito at sa anim na taon ay biniyayaan raw sila ng Panginoon. Sa mundong puno ng kasamaan at kabastusan, may mga tao pa rin talagang ipaglalaban ang kanilang pananampalataya kahit ang kapalit nito ay mga pangungutya.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *