Bayani Agbayani At Billy Crawford Muntik Ng Mag Sapakan Sa Taping Ng Noontime Show Nilang “Lunch Out Loud”

Nitong nakaraang Lunes ng gabi lamang, ay isang video na kumalat kung saan ay makikita ang muntik ng pagsasamahan umano ng “Lunch Out Loud” host na sina Billy at Bayani, kung saan ay hindi alam ng mga maraming mga manood at kapwa nila mga host sa programa, na ito pala ay “prank” lamang ng dalawa.




Makikita sa naturang video, na ang Tv host na si Billy Crawford ay may binabasa sa kanyang cellphone, ng bigla itong tabigin ng kapwa host na si Bayani Agbayani, at sinabihan itong, “Taman a! nagagalit na nga ang misis ko sayo, e.”

Image Credit via YouTube

Sabay ang naging pag-alis ni Bayani sa stage, na tila plano pang mag-walk out sa taping na kanilang ginagawa.

Image Credit via YouTube

Nagulat at napanganga naman ang iba pang mga kasamahang host ng dalawa sa ginawa ni Bayani, na sina KC Montero, Wacky Kiray, Valerie Concepcion, Macoy Dubs, Ariel Rivera, Jeff Tam, at Alex Gonzaga.

Image Credit via YouTube

Hindi naman nakita sa naturang video ang isa pang host nito na si K Brosas.
Samantala, hindi pa rin nga natatapos ang naging pagsasalita at pagtatalo ni Bayani, kahit pa nga ito ay pinipigilan na ilang mga staff at marshall na nasa loob ng naturang studio.

Image Credit via YouTube

Hanggang sa bigla nga itong sumugod patungo kay Billy, kung saan ay tila nakahanda na naman si Billy, sa magiging pagsabog nito, kung magpang-abot man sila sa suntukan o ano pa man.

Video Credit: LunchOutLoud/YouTUbe

Mapapansin naman ang hindi naging pagkirot ng ibang Tv host ng programa. Si Valerie, ay idaan na lamang sa tawa ang nararamdamang nerbyos, samantalang si Ariel naman ay sinabihan na ang dalawang co-host na ng “Tama na!”




Hindi nga nagtagal at bigla na lamang tumawa sina Billy at Bayani, matapos ang tila mainit init bilang aksyon, sabay sabi ng dalawa sa kanilang mga kasamahan sa show, na na-prank nila ang mga ito. Sabi pa ng dalawa, talo ang mapipikon.

Sa mga nakapanood ng video, ay talaga namang tila marami ang napaniwala nina Bayani at Billy, dahil sa talaga naman na parang totoong totoo ang naging pag-acting nilang dalawa, na maging ang kanilang mga kasamahan sa studio ay napaniwala nila. Maging ang taga production umano, ay wala ring ideya sa dramang ito nina Billy at Bayani.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *