BB Gandanghari Kung Magiging Lalaki Muli Bilang Rustom Padilla Si Carmina Villaroel Pa Rin Ang Pipiliin Balikan At Ligawan

Si BB Gandanghari, ay mas kilala ng marami noon bilang ang gwapong aktor na si Rustom Padilla na naging unang asawa ni Carmina Villaroel.




Kamakailan lamang, sa kanyang Youtube channel ay ibinahagi ni BB Gandanghari ang ilan sa nakaraan nila ni Carmina, at sinabi rin nito na kung sakaling maging isang lalaki siya muli ay ang dating asawa pa rin ang kanyang nanaising ligawan.

Image Credit via Google

Ibinahagi rin ni BB, na ang pangyayaring hiwalayan nina Rustom at Carmina ang isa sa pinakamasakit na pangyayari sa buhay ni Rustom Padilla. “Marami ang nagtatanong, minahal ko raw ba talaga si Carmina? Honesty and true, oo”, ang naging pag-amin ni BB.

Image Credit via Google

“Rustom may be right, he maybe happy with Carmina, but he wasn’t happy with himself. That’s the problem. Yong pagmamahal, walang question”, dagdag pa nga ni BB. Ayon nga sa naging pahayag ni BB, bilang si Rustom noon ay totoong minahal niya ang kanyang ex-wife na si Carmina.

Image Credit via Google

Akala nga noon ni Rustom, ay si Carmina na ang makakatulong at mapagbigay sa kanya ng mga bagay na talagang pinangarap niya noon ngunit sa kalaunan ay iba pala ang magiging nais niya sa kanyang buhay at ito ay maintindihan ng dati niyang asawa.

Image Credit via Google

Tulad nga ng isang normal na lalaki, naging pangarap din umano noon ni Rustom ang magkaroon ng isang buo at masayang pamilya. Isang asawa, at mga anak na pinapangarap nga naman ng maraming kalalakihan.

Image Credit via Google

“Ano ba ang pangarap ni Rustom? Magkaroon ng pamilya, magkaroon ng mabuting asawa, magkaroon ng mga anak, maging mabuting asawa”, saad nga ni BB. Sa pahayag nga niyang ito, ay inamin rin ni BB Gandanghari na kung sakaling magbabalik si Rustom ay si Carmina Villaruel na dating asawa pa rin ang liligawan nito.

Image Credit via Google

“Rustom may be right, he may be happy with Carmina, but he wasn’t happy with himself. That’s the problem. Doon nag-umpisa ang bakit kasama na niya yung babaeng…. kasi yung pagmamahal, walang question.”, saad nito. “Kung ako maging lalaki ulit, siya pa rin liligawan.

Hindi ko naman naisip noon na bilang Rustom, pagpapatawad ako na BB after 21 years or 31 years? I really don’t know. Sabi ko nga, it may be the right love, but hindi lang wrong time, but wrong body, ” dagdag pa nga ni BB.




Kwento pa nga ni BB, ang hiwalayan ni Carmina at Rustom noon ang isa sa pinakamasakit na pangyayari sa buhay ni Rustom, hindi ito yung tipo ng hiwalayan na nagsigawan o nag-away sila dahil maayos ang naging paghihiwalay nila, ngunit kahit ganoon ay napakasakit umano nito para kay Rustom.

Matatandaan na kinasal noong 1994, sina Rustom Padilla at Carmina Villaruel ngunit makalipas ang tatlong taon, ay naghiwalay ang dalawa taong 1997, na kung saan ay maraming mga espekulasyon ang lumabas na tungkol sa totoong estado ng kasarian ni Rustom na ito umano ang naging rason upang hiwalayan ito ni Carmina.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *